10:10 PM Paghatol sa mga Huling Araw - Pinatotohanan mo na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Imposible! Sinasabi sa B |
Sagot: Sa paghihintay na sumalubong sa pagbalik ng Panginoon, lahat tayo’y nagkamali. Hinihintay lang natin ang pagbalik ng Panginoon batay sa mga propesiya ng Kanyang pagbaba sakay ng ulap, pero nakaligtaan natin ang iba pang mga propesiya tungkol sa pagbalik ng Panginoon. Malaking pagkakamali ito! Maraming bahagi ng Biblia ang naglalaman ng mga propesiya tungkol sa pagbalik ng Panginoon. Halimbawa, ang mga propesiya ng Panginoon: “Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw” (Pahayag 16:15). “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6). “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25). Binabanggit sa mga propesiyang ito ang pagbalik ng Panginoon na “gaya ng magnanakaw,” ang pagdating ng Anak ng tao, na nagsasalita Siya sa mga tao habang kumakatok sa pinto, at iba pa. ‘Di ba nito ipinapakita na sa pagbabalik ng Panginoon, maliban sa pagbaba Niya sa madla na sakay ng ulap, palihim din Siyang bababa? Kung naniniwala tayo na darating lang ang Panginoon na sakay ng ulap, paano matutupad ang mga propesiya na lihim Siyang darating? Pag-isipan mo ‘yan. Kapag bumaba ang Panginoon sakay ng ulap, may mga tanda. ‘Di na magliliwanag ang araw at buwan, mahuhulog ang mga bituin sa langit, at mayayanig at langit at lupa. Nakakayanig talaga ang tagpong ‘yon, at makikita at malalaman ‘yon ng lahat. Kung gayon paano matutupad ang mga propesiya na darating ang Panginoon “gaya ng magnanakaw”, at tatayo sa labas at kakatok sa pinto? Pagbaba ng Panginoon sakay ng ulap, makikita ‘yon ng lahat. Kailangan bang may magpatotoo na: “Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya”? Sinabi rin ng Panginoong: “Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.” Paano matutupad ang propesiyang ‘yon? Bukod pa riyan, Marami ding propesiya sa Biblia na pagbalik ng Panginoon sa mga huling araw, tatapusin Niya ang ilang gawain. Halimbawa, ang gawain ng paghatol ay magsisimula sa tahanan ng Diyos. Bubuksan Niya ang scroll at kakalagin ang pitong tatak, at mayroon ding pag-aani at pagtatahip, at ang pagbubukod ng mga tao ayon sa kanilang uri, tulad ng pagbubukod ng mga tupa sa mga kambing, ng trigo sa mga damong ligaw, ng mabubuting lingkod sa masasama. Kung dumating ang Panginoon na may dakilang kaluwalhatian, na bumababa sakay ng ulap at nakikita ng lahat, iyon nga ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus nag nagpapakita sa buong sangkatauhan, kaya ‘di ba magpapatirapa ang lahat at susundin at susundan Siya? Sino’ng kakalaban sa Kanya? Sa gayon, paano makikilala ang mga tupa sa mga kambing, at ang mabubuting lingkod sa masasama? Paano gagawin ang pag-aani at pagtatahip? Maraming propesiya sa Biblia tungkol sa pagbalik ng Panginoon sa mga huling araw. Kung iwawaksi natin ang iba pang mga propesiya, pero ililimita lang ang paraan ng pagbalik ng Panginoon batay sa isa o dalawang bahagi ng Biblia Na bababa Siya sakay ng puting ulap, hindi makatwiran ‘yon, ‘di ba? Sa gayong paraan malamang na lumagpas ang pagkakataon nating sumalubong sa Kanyang pagbalik, at hindi Niya tayo tanggapin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Maaaring walang pakialam ang maraming tao sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sa ibabaw ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng pagkamatuwid. Marahil ay magiging panahon iyan ng katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang oras na nasaksihan mong bumaba si Jesus mula sa langit ang iyon ring oras ng pagbaba mo sa impiyerno para parusahan. Ibabadya nito ang pagtatapos ng plano sa pamamahala ng Diyos, at mangyayari kapag ginantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarusahan ang masasama. Sapagkat nagwakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga palatandaan ang tao, kapag pagpapahayag lamang ng katotohanan ang naroon. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga palatandaan, at sa gayo’y napadalisay na, ay nakabalik na sa luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Maylalang. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo’ ang sasailalim sa walang-katapusang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga palatandaan, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng malupit na paghatol at pinapakawalan ang tunay na daan ng buhay. Kaya maaari lamang na harapin sila ni Jesus kapag hayagan Siyang bumalik nang nasa ibabaw ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa sarili, masyadong mayabang. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang mga gayong mababang-uri? Ang pagbalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga tao na kayang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga tao na hindi kayang tanggapin ang katotohanan, ito’y tanda ng paghuhusga. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mayabang na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang” (“Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). mula sa iskrip ng pelikulang Pananabik |
|
Total comments: 0 | |