11:25 PM Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Ang Pagpapakumbaba ng Diyos ay Kaibig-ibig" (Tagalog Song) |
Tagalog Christian Songs | "Ang Pagpapakumbaba ng Diyos ay Kaibig-ibig" (Tagalog Song)I Nagpapakumbaba ang Diyos at gumagawa sa mga marurumi't tiwaling tao para sila'y gawing perpekto. Naging tao ang Diyos. S’ya’y nag-aalaga’t nagpapastol sa kanila, lumalapit sa puso ng malaking pulang dragon upang mailigtas at malupig ang mga tiwali, ginagawa ang tungkulin ng pag-iiba’t pagbabago nila. Nagpapakumbaba S’ya Mismo bilang tao at tinitiis ang mga pasakit na dala nito. Ito’y pinakamalaking pagpapahiya sa pinakamataas na Espiritu. Diyos, dakila, matayog. Tao, masama’t mababa. Subali’t ang Diyos kumakausap at naghahanda, namumuhay sa gitna nila. Siya’y napaka-mapagpakumbaba, napaka-kaibig-ibig. II Diyos namumuhay sa katawang-tao at normal na buhay't pangangailangan, pinatutunayan na ibinaba Niya sa isang antas. Espiritu ng Diyos, matayog at dakila, dumarating na karaniwang tao para isagawa ang gawain ng Kanyang Espirtu. 'Di ka karapat-dapat sa gawa N'ya't paghihirap na dinanas. Nakikita ito sa mga katangian, mga pananaw, at mga katinuan niyo. Ika’y hindi karapat-dapat sa gawa N'ya't paghihirap na dinanas. Nakikita sa pagkatao at buhay mo. Diyos, dakila, matayog. Tao, masama’t mababa. Subali’t ang Diyos kumakausap at naghahanda, namumuhay sa gitna nila. Siya’y napaka-mapagpakumbaba, napaka-kaibig-ibig. Siya’y napaka-mapagpakumbaba, napaka-kaibig-ibig. mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Pinagmumulan:https://tl.godfootsteps.org/videos/gods-humbleness-is-so-lovable-hymn.html Ang pagsamba sa Diyos page ay nagbibigay ng mga himno, sayaw, musikal na video, atbp. Panoorin ng libre upang maging mas malapit sa Diyos. |
|
Total comments: 0 | |