Winakasan na ng
Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, ang Kapanahunan ng Biyaya at sinimulan na ang Kapanahunan ng Kaharian. Inihahayag Niya ang katotohanan at sinisimulan ang Kanyang gawain ng paghatol sa pamilya ng Diyos. Paano napadadalisay at naliligtas ang tao ng gawain ng paghatol ng Makapangyrihang
Diyos sa mga huling araw? Ano ang ating magiging wakas kung tatanggihan natin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Ibinunyag ang mga kasagutan sa video na ito.
——————————————————
Ebanghelyo ngayong araw: Sa kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, pinatawad ang tao sa kanilang mga kasalanan, at ipinagkaloob sa tao ang masaganang biyaya; sa mga huling araw, ang Panginoon ay nagpapahayag ng mga salita, gumagawa ng gawain ng paghuhukom, lubusan na nag-aalis ng mga kasalanan ng tao, naglilinis ng tao at nagdala sa tao sa kaharian ng Diyos.