11:20 PM
Paano Mahihiwatigan ang mga Huwad na Pastol, Anticristo, at mga Huwad na Cristo

1. Ang gawain ng karapat-dapat na manggagawa ay maaaring magdala sa mga tao sa tamang daan at tinutulutan silang mas lumalim pa sa katotohanan. Ang gawain na ginagawa niya ay maaaring magdala sa mga tao sa harap ng Diyos. Idagdag pa, ang gawain na ginagawa niya ay maaaring maiba sa bawat indibiduwal at hindi nakatali sa mga alituntunin, anupa’t tinutulutan ang mga tao na makawala at makalaya. Bukod dito, maaari silang unti-unting lumago sa buhay, umunlad nang mas malalim tungo sa katotohanan. Ang gawain ng isang hindi karapat-dapat na manggagawa ay malayung-malayo; ang kanyang gawain ay kahangalan. Maaari lamang niyang dalhin ang mga tao sa mga alituntunin; ang hinihingi niya sa mga tao ay hindi naiiba sa bawat indibiduwal; hindi siya gumagawa ayon sa aktuwal na pangangailangan ng mga tao. Sa ganitong uri ng gawain, mayroong napakaraming alituntunin at napakaraming doktrina, at hindi nito madadala ang mga tao sa realidad o sa normal na pagsasagawa ng paglago sa buhay. Maaari lamang itong magbigay-kakayahan sa mga tao na makatayo sa kaunti at walang-halagang mga tuntunin. Ang ganitong uri ng paggabay ay maaaring magdulot lamang sa mga tao na maligaw. Inaakay ka niya na maging katulad ng kung ano siya; madadala ka niya tungo sa kung anong mayroon siya at kung ano siya. Upang matalos ng mga tagasunod kung ang mga pinuno ay karapat-dapat, ang susi ay tumingin sa landas na pinangungunahan nila at sa mga bunga ng kanilang gawain, at tingnan kung ang mga tagasunod ay nakakatanggap ng mga prinsipyong kaayon sa katotohanan, at kung nakakatanggap sila ng mga daan ng pagsasagawa na angkop sa kanila para mabago. Kailangan mong alamin ang pagkakaiba sa pagitan ng iba’t ibang gawain ng iba’t ibang uri ng mga tao; huwag kang maging hangal na tagasunod. Ito ay makakaapekto sa usapin ng iyong pagpasok. Kung hindi mo kayang makilala kung aling pamunuan ng tao ang may daan at alin ang wala, madali kang madadaya. Lahat ng ito ay may tuwirang kaugnayan sa iyong sariling buhay.

Hinango mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

2. Yaong mga hindi sumusunod sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi nakapasok sa gawain ng mga salita ng Diyos, at gaano man sila gumawa, o gaano man katindi ang kanilang pagdurusa, o gaano man sila magparoo’t parito, walang anuman dito ang may kabuluhan sa Diyos, at hindi Niya sila pupurihin. Sa ngayon, lahat niyaong sumusunod sa kasalukuyang mga salita ng Diyos ay nasa daloy ng Banal na Espiritu; yaong mga estranghero sa mga salita ng Diyos ngayon ay nasa labas ng daloy ng Banal na Espiritu, at ang gayong mga tao ay hindi pupurihin ng Diyos. Ang paglilingkod na hiwalay mula sa kasalukuyang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu ay paglilingkod na ukol sa laman, at ukol sa mga pagkaintindi, at wala itong kakayahan na maging alinsunod sa kalooban ng Diyos. Kung ang mga tao ay nabubuhay sa gitna ng mga relihiyosong pagkaintindi, kung gayon wala silang magagawang anuman na akma para sa kalooban ng Diyos, at bagama’t naglilingkod sila sa Diyos, naglilingkod sila sa kalagitnaan ng kanilang guni-guni at mga pagkaintindi, at ganap na walang kakayahan na maglingkod alinsunod sa kalooban ng Diyos. Hindi nauunawaan niyaong mga hindi nagagawang sundin ang gawain ng Banal na Espiritu ang kalooban ng Diyos, at yaong mga hindi nakauunawa sa kalooban ng Diyos ay hindi maaaring maglingkod sa Diyos. Nais ng Diyos ang paglilingkod na kaayon ng Kanyang sariling puso; ayaw Niya sa paglilingkod na ukol sa mga pagkaintindi at sa laman. Kung walang kakayahan ang mga tao na sundin ang mga hakbang ng gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon sila ay nabubuhay sa gitna ng mga pagkaintindi. Ang paglilingkod ng gayong mga tao ay nakakaantala at nakakagambala, at ang gayong paglilingkod ay sumasalungat sa Diyos. Kaya yaong mga hindi nagagawang sundin ang mga yapak ng Diyos ay walang kakayahan na maglingkod sa Diyos; yaong hindi magawang sundin ang mga yapak ng Diyos ay tiyak na tiyak na kinakalaban ang Diyos, at mga walang kakayahan ng pagiging kaayon ng Diyos.

Hinango mula sa “Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

3. Ang gawain sa isip ng tao ay napakadaling makamit ng tao. Ang mga pastor at mga pinuno sa relihiyosong mundo, halimbawa, ay umaasa sa kanilang mga kaloob at mga katungkulan upang gawin ang kanilang gawain. Ang mga tao na sumusunod sa kanila sa mahabang panahon ay mahahawa sa kanilang mga kaloob at maiimpluwensiyahan ng ilan sa kung ano sila. Nakatuon sila sa mga kaloob, mga kakayahan, at kaalaman ng mga tao, at nagbibigay sila ng pansin sa mga higit-sa-karaniwang mga bagay at sa maraming malalalim na di-makatotohanang doktrina (mangyari pa, ang ganitong malalalim na doktrina ay hindi matatamo). Hindi sila nagtutuon ng pansin sa mga pagbabago sa disposisyon ng mga tao, sa halip ay nakatuon sila sa pagsasanay sa pangangaral ng mga tao at mga kakayahan sa paggawa, pinabubuti ang kaalaman ng mga tao at saganang relihiyosong mga doktrina. Hindi sila nakatuon sa kung gaano kalaki sa disposisyon ng mga tao ang nababago o gaano karaming tao ang nakauunawa sa katotohanan. Hindi sila nagmamalasakit sa diwa ng mga tao, ni sinusubukang alamin ang normal at di-normal na mga kalagayan ng mga tao. Hindi nila sinasalungat ang mga pagkaunawa ng mga tao o ibinubunyag ang kanilang mga pagkaunawa, lalong hindi inaayos ang kanilang mga kakulangan o mga katiwalian. Karamihan sa mga tao na sumusunod sa kanila ay naglilingkod sa pamamagitan ng likas nilang mga kaloob, at ang kanilang ipinahahayag ay kaalaman at malabong relihiyosong katotohanan, na hindi makatotohanan at lubusang hindi nakapagbibigay ng buhay sa mga tao. Sa totoo lang, ang diwa ng kanilang gawain ay pag-aalaga sa kakayahan, pag-aalaga sa isang tao na walang kahit ano tungo sa isang matalinong nagtapos sa seminaryo na nang maglaon ay gumagawa at nangunguna.

Hinango mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

4. Maraming tao sa Aking likuran ang nag-iimbot sa pagpapala ng katayuan, nagpapasasa sila sa pagkain, mahilig silang matulog at masusing pinangangalagaan ang laman, laging natatakot na walang paraan upang makaiwas sa laman. Hindi nila ginagampanan ang kanilang karaniwang tungkulin sa iglesia, ngunit sinasamantala ang iglesia, o kaya ay pinagsasabihan ang kanilang mga kapatiran gamit ang Aking mga salita, nagmamataas sila at pinaghaharian ang iba. Palaging sinasabi ng mga taong ito na ginagawa nila ang kalooban ng Diyos, lagi nilang sinasabi na sila ay mga kaniig ng Diyos—hindi ba ito katawa-tawa? Kung ikaw ay may matuwid na mga adhikain, nguni’t hindi naglilingkod ayon sa kalooban ng Diyos, kung gayon ikaw ay nananatiling hangal; nguni’t kung ang iyong mga adhikain ay hindi tama, at sinasabi mo pa rin na ikaw ay naglilingkod sa Diyos, kung gayon ikaw ay isang taong sumasalungat sa Diyos, at marapat parusahan ng Diyos! Wala Akong simpatya sa mga naturang tao! Sa bahay ng Diyos ay nagsasamantala sila, at laging hinahangad ang kaginhawahan ng laman, at walang pagsasaalang-alang sa mga interes ng Diyos; lagi nilang hinahanap kung ano ang mabuti para sa kanila, hindi nila pinapansin ang kalooban ng Diyos, ang lahat ng kanilang ginagawa ay hindi tinitingnan ng Espiritu ng Diyos, lagi silang nagmamaniobra at nanlilinlang ng kanilang mga kapatid, at doble-kara sila, parang isang soro sa isang ubasan, laging nagnanakaw ng mga ubas at tinatapak-tapakan ang ubasan. Maaari bang maging mga kaniig ng Diyos ang gayong mga tao? Ikaw ba ay angkop upang matanggap ang mga pagpapala ng Diyos? Hindi mo kinukuha ang pananagutan sa iyong buhay at sa iglesia, ikaw ba ay angkop para tanggapin ang tagubilin ng Diyos? Sino ang mangangahas na magtiwala sa isang katulad mo? Kapag ikaw ay naglilingkod nang ganito, maaari bang mangahas ang Diyos na magtiwala sa iyo ng mas mabigat na gawain? Hindi mo ba inaantala ang mga bagay-bagay?

Hinango mula sa “Paano Maglingkod Nang Kaayon sa Kalooban ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

5. Ikaw ay naglilingkod sa Diyos gamit ang iyong likas na karakter, at ayon sa iyong personal na mga kagustuhan; ano pa nga ba, patuloy mong iniisip na nalulugod ang Diyos sa anumang nais mong gawin, at napopoot sa anumang hindi mo nais gawin, at lubusan kang ginagabayan ng iyong sariling mga kagustuhan sa iyong gawain. Maaari bang matawag itong paglilingkod sa Diyos? Sa huli, ang iyong disposisyon sa buhay ay hindi magbabago ni katiting; sa halip, ikaw ay lalong magiging mas matigas ang ulo sapagka’t napaglilingkuran mo ang Diyos, at gagawin nito ang iyong tiwaling disposisyon na nakatanim nang malalim. Sa paraang ito, bubuo ka sa iyong loob ng mga alituntunin tungkol sa paglilingkod sa Diyos na pangunahing batay sa iyong sariling karakter, at sa karanasang nakuha mula sa iyong paglilingkod ayon sa iyong sariling disposisyon. Ito ang aral mula sa karanasan ng tao. Ito ang pilosopiya ng tao sa pamumuhay sa mundo. Ang mga taong katulad nito ay nabibilang sa mga Fariseo at mga relihiyosong namumuno. Kung hindi sila kailanman magising at magsisi, sa kahuli-hulihan sila ay magiging mga huwad na Cristo na lilitaw sa mga huling araw, at magiging mga manlilinlang ng mga tao. Ang sinabi noon na mga huwad na Cristo at manlilinlang ay magmumula sa ganitong uri ng tao. Kung yaong mga naglilingkod sa Diyos ay sumusunod sa kanilang sariling karakter at kumikilos ayon sa kanilang sariling kalooban, kung gayon sila ay nasa panganib na mapalayas anumang oras. Yaong mga gumagamit ng maraming taon ng karanasan nila sa paglilingkod sa Diyos upang mahalin sila ng iba, pangaralan at sawayin nila ang iba, at manatili sa mataas na posisyon—at hindi nagsisisi kailanman, hindi kailanman nangungumpisal ng kanilang mga kasalanan, hindi kailanman nagtatatwa sa mga benepisyo ng posisyon—ang mga taong ito ay mahuhulog sa harapan ng Diyos. Sila ang mga uri ng tao na katulad ni Pablo, ipinangangahas ang kanilang pagiging nauna sa panunungkulan at ipinagmamagaling ang kanilang mga kwalipikasyon. Hindi dadalhin ng Diyos ang mga taong tulad nito sa pagkaperpekto. Ang ganitong uri ng paglilingkod ay humahadlang sa gawain ng Diyos.

Hinango mula sa “Kailangang Ipatigil ang Pagsamba sa Relihiyon” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

6. Nakakapangusap ka ng maraming kaalaman na kasingdami ng buhangin sa dalampasigan, datapwa’t wala sa mga ito ang naglalaman ng anumang tunay na landas. Sa ganito, hindi mo ba niloloko ang mga tao? Hindi ka ba gumagawa ng hungkag na palabas na walang anumang sumusuporta rito? Ang lahat ng ganyang asal ay nakapipinsala sa mga tao! Mas mataas ang teorya, mas walang-wala itong realidad, at mas walang kakayahan ito na dalhin ang mga tao sa realidad; mas mataas ang teorya, mas ginagawa ka nitong lumaban at sumalungat sa Diyos. Huwag mong tratuhin ang pinakamatatayog na teorya tulad ng mahalagang kayamanan; sila ay mapaminsala at walang silbi! Marahil may ilang tao na kayang makapagsalita sa pinakamatatayog na teorya—nguni’t ang mga ganoong teorya ay hindi naglalaman ng realidad, sapagka’t ang mga taong ito ay hindi personal na nakaranas sa kanila, at sa gayon wala silang landas sa pagsasagawa. Ang mga ganoong tao ay walang kakayahang dalhin ang tao sa tamang daanan, at ihahantong lamang ang mga tao na maligaw. Hindi ba ito nakapipinsala sa mga tao? Sa pinakamababa, dapat mong makayanang lutasin ang kasalukuyang mga gulo at hayaan ang mga tao na makamit ang pagpasok; ito lamang ang maituturing bilang debosyon, at tanging sa gayon ikaw ay magiging kwalipikadong gumawa para sa Diyos. Huwag palaging nangungusap ng mararangya, mabulaklak na mga salita, at huwag itali ang mga tao at gawin silang sumunod sa iyo kasama ang iyong maraming hindi-angkop na mga pagsasagawa. Ang magsagawa ng ganoon ay walang epekto, at maaari lamang makadagdag sa pagkalito ng mga tao. Ang pangunahan ang mga tao sa ganitong paraan ay makapagdudulot ng maraming piraso ng regulasyon, na kung saan gagawin ang mga tao na kasuklaman ka. Ito ay pagkukulang ng tao, at ito ay tunay na kahiya-hiya.

Hinango mula sa “Magtuon nang Higit na Pansin sa Realidad” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

7. Masdan mo lang ang mga pinuno ng bawat denominasyon—lahat sila’y mapagmataas at mapagmalinis, at binibigyang-kahulugan nila ang Biblia nang wala sa konteksto at ayon sa kanilang sariling imahinasyon. Lahat sila’y umaasa sa mga kaloob at pag-aaral sa paggawa ng kanilang gawain. Kung sila’y walang kakayahang mangaral ng anuman, susunod ba sa kanila ang mga taong iyon? Sila, kung sa bagay, ay nagtataglay ng kaunting kaalaman, at makakapangaral ng ilang doktrina, o alam kung paano makaakit ng iba at paano gumamit ng ilang pagkukunwari. Ginagamit nila ang mga ito para dalhin ang mga tao sa harapan nila at linlangin sila. Sa pangalan, ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos, nguni’t sa realidad sinusunod nila ang kanilang mga pinuno. Kung nakakatagpo sila ng sinumang nangangaral ng tunay na daan, ang ilan sa kanila’y nagsasabing, “Kailangang konsultahin namin ang aming pinuno tungkol sa aming pananampalataya.” Ang kanilang pananampalataya ay dapat dumaan sa isang tao; hindi ba problema iyan? Nagiging ano na kung gayon ang mga pinunong iyan? Hindi ba sila nagiging mga Fariseo, huwad na mga pastol, mga anticristo, at mga katitisuran sa pagtanggap ng mga tao sa tunay na daan? Ang mga ganyang tao ay kaparehong uri ni Pablo.

Hinango mula sa “Tanging ang Paghahabol sa Katotohanan ang Tunay na Paniniwala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

8. Ang pagpapakita ng pagmamataas ay paghihimagsik at pagsalungat sa Diyos. Kapag ang mga tao’y mapagmataas, mapagpahalaga sa sarili, at mapagmalinis, malamang magtayo sila ng kani-kanyang mga nagsasariling kaharian at gawin ang anumang gusto nila. Inaakay din nila ang iba na magpakontrol sa kanila at magpasakop sa kanila. Kapag kayang gawin ng mga tao ang ganitong mga bagay, ang diwa ng kanilang pagmamataas ay yaong sa arkanghel. Kapag naaabot ng kanilang pagmamataas at pagpapahalaga sa sarili ang isang partikular na antas, samakatuwid naaalaman mula rito na sila ang arkanghel at isasantabi ang Diyos. Kung mayroon ka ng ganitong uri ng mapagmataas na disposisyon, kung gayon hindi magkakaroon ng lugar ang Diyos sa iyong puso.

Naipangaral na namin ang ebanghelyo nang paulit-ulit sa maraming namumuno ng mga relihiyosong grupo, subalit hindi alintana kung paano namin ibinabahagi ang katotohanan sa kanila, hindi nila matanggap ito. Bakit ganito? Dahil ang kanilang pagmamataas ay naging kalikasan na nila at wala na ang Diyos sa kanilang mga puso! Masasabi ng ilang tao: “Ang mga taong nasa ilalim ng pamumuno ng ilang pastor sa relihiyosong mundo ay talagang masigasig. Mukhang ang Diyos ay nasa kanilang kalagitnaan!” Gaano man katayog ang mga sermon ng ganoong mga pastor, kilala ba nila ang Diyos? Kung talagang iginalang nila ang Diyos sa kanilang puso, magagawa ba nilang pasunurin sa kanila at dakilain sila ng mga tao? Kokontrolin ba nila ang iba? Mangangahas ba silang magbawal sa ibang naghahanap ng katotohanan at nagsusuri sa totoong daan? Kung naniniwala silang talagang kanila ang mga tupa ng Diyos at dapat makinig sa kanila ang lahat ng Kanyang tupa at na ang sinasabi nila ay naglalaman ng katotohanan, hindi ba’t kumikilos silang parang Diyos? Ang ganyang uri ng tao ay masahol pa sa mga Fariseo—hindi ba sila mga anticristo? Samakatuwid, dahil sa kanilang kayabangan, nagawa nila ang mga bagay na nagkakanulo sa Diyos.

Hinango mula sa “Likas na Kayabangan ng Tao ang Ugat ng Kanyang Pagkontra sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

9. Kapag nagiging tao ang Diyos at gumagawa kasama ang mga tao, ang lahat ay namamasdan ang Diyos at napapakinggan ang Kanyang mga salita, at nakikita ng lahat ang gawain ng Diyos sa katawang-tao. Sa panahong iyon, ang lahat ng pagkaintindi ng tao ay naglalahong parang bula. At para sa mga nakakakita sa Diyos na nagpapakita sa katawang-tao, ang lahat ng may pagsunod sa kanilang mga puso ay hindi mahuhusgahan, samantalang yaong mga sadyang naninindigan laban sa Kanya ay yaong ituturing na kalaban ng Diyos. Ang mga naturang tao ay mga anticristo at mga kalaban na kusang-loob na naninindigan laban sa Diyos. … Yaong mga kusang-loob na naninindigan laban sa Diyos na nagkatawang-tao ay mapaparusahan dahil sa kanilang pagsuway. Ang kusang-loob nilang pagsalungat sa Diyos ay nagmumula sa kanilang mga pagkaintindi tungkol sa Kanya, na nagbubunga ng kanilang paggambala sa gawain ng Diyos. Ang gayong mga tao ay sadyang lumalaban at sumisira sa gawain ng Diyos. Hindi lamang sa mayroon silang mga pagkaintindi sa Diyos, subali’t ginagawa nila ito upang magambala ang Kanyang gawain, at dahil sa kadahilanang ito na ang ganitong pag-uugali ng mga tao ay huhusgahan.

Hinango mula sa “Lahat ng Taong Hindi Kilala ang Diyos ay mga Taong Kontra sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

10. Ang pinaka-mapanghimagsik na tao ay siya na sadyang hinahamon at nilalabanan ang Diyos. Siya ay ang kaaway ng Diyos at ang anticristo. Ang gayong tao ay patuloy na nagtataglay ng palabang saloobin tungo sa bagong gawain ng Diyos, hindi pa kailanman nagpakita ng pinakamaliit na hangaring magpasakop, at hindi pa kailanman galak na nagpakita ng pagpapasakop o nagpakumbaba sa kanyang sarili. Itinataas niya ang kanyang sarili sa harap ng iba at hindi kailanman nagpapakita ng pagpapasakop sa kaninuman. Sa harap ng Diyos, ipinapalagay niya ang sarili niya na pinakasanay sa pangangaral ng salita at ang pinakamahusay sa paggawa sa iba. Hindi niya kailanman itinatapon ang mga “kayamanang” nasa kanya nang pag-aari, kundi itinuturing ang mga iyon bilang mga pamana ng pamilya para sambahin, para ipangaral sa iba ang tungkol dito, at ginagamit ang mga iyon para bigyan ng aral yaong mga hangal na umiidolo sa kanya. Talagang may ilang taong ganito sa loob ng iglesia. Masasabi na sila ay mga “di-nalulupig na mga bayani,” na ang bawat lumilipas na mga salinlahi ay nananahang pansamantala sa tahanan ng Diyos. Ipinapalagay nila ang pangangaral ng salita (doktrina) bilang kanilang pinakamataas na tungkulin. Taun-taon at sa paglipas ng bawat salinlahi, masigasig nilang ipinatutupad ang kanilang “banal at di-malalabag” na tungkulin. Walang sinumang nangangahas na salingin sila at wala kahit isang tao ang nangangahas na lantarang sawayin sila. Sila ay nagiging “mga hari” sa tahanan ng Diyos, nagwawala habang tinatakot nila ang iba sa bawat lumilipas na mga kapanahunan. Itong bungkos ng mga demonyo ay naghahangad na magtulung-tulong at gibain ang Aking gawain; paano Ko mapapahintulutan itong mga buhay na diyablo na umiral sa harap ng Aking mga mata?

Hinango mula sa “Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

11. Ang inyong pagsalungat sa Diyos at paghadlang sa gawain ng Banal na Espiritu ay sanhi ng inyong mga pagkaintindi at likas na kayabangan. Hindi ito dahil sa ang gawain ng Diyos ay mali, kundi dahil kayo ay likas na mga masyadong masuwayin. Matapos masumpungan ang kanilang paniniwala sa Diyos, hindi man lamang masasabi ng ilang tao nang may kasiguruhan kung saan nanggaling ang tao, bagkus malakas ang loob nilang gumawa ng mga pampublikong talumpati na sinusukat ang mga tama at mali sa gawain ng Banal na Espiritu. At pinagsasabihan pa nila ang mga apostol na may bagong gawain ang Banal na Espiritu, nagpapasa ng puna at nagsasalita nang wala sa lugar; ang kanilang pagkatao ay masyadong mababa, at walang kahit kaunting katinuan sa kanila. Hindi ba darating ang araw kung kailan ang mga taong ganoon ay itatakwil ng gawain ng Banal na Espiritu, at susunugin ng mga apoy ng impiyerno? Hindi nila alam ang gawain ng Diyos, nguni’t sa halip ay pinipintasan pa ang Kanyang gawain, at sinusubukan ding turuan ang Diyos kung paano gumawa. Paano ba makikilala ng ganoong di-makatwirang mga tao ang Diyos? Nakikilala ng tao ang Diyos habang hinahanap at nararanasan Siya; hindi sa pamamagitan ng pagpintas sa Kanya ayon sa kapritso na nakikilala niya ang Diyos sa pamamagitan ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Kung mas tiyak ang pagkakilala ng tao tungkol sa Diyos, mas hindi nila Siya sinasalungat. Sa kaibahan, kapag mas kaunti ang pagkakilala ng tao sa Diyos, mas lalo nila Siyang sasalungatin. Ang iyong mga pagkaintindi, ang iyong lumang kalikasan, at ang iyong pagkatao, asal at moral na pananaw ay ang “puhunan” na ipinanlalaban mo sa Diyos, at habang ikaw ay mas tiwali, hamak at mababa, mas kaaway ka ng Diyos. Silang mga nagtataglay ng nakahahapis na mga pagkaintindi at mayroong mapagmagaling na disposisyon ay mas lalong kaaway ng Diyos na nagkatawang-tao, at ang mga taong ganoon ay ang mga anticristo.

Hinango mula sa “Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

12. Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga engrandeng iglesia ay nagsasalaysay ng Biblia araw-araw, nguni’t ni isa ay hindi nauunawaan ang layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang nakaaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwinawagayway nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat. Kahit tinatawag nila ang kanilang mga sarili na mananampalataya ng Diyos, sila yaong mga kumakain ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng taong iyon ay mga demonyong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong diyablong sinasadyang manggambala sa mga sumusubok lumakad sa tamang landas, at mga balakid na humahadlang sa landas ng mga naghahanap sa Diyos. Kahit sila ay may “matipunong laman,” paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga anticristo na umaakay sa tao sa pagsalungat sa Diyos? Paano nila malalaman na sila ay mga demonyong nabubuhay na sadyang naghahanap ng mga kaluluwang lalamunin?

Hinango mula sa “Lahat ng Taong Hindi Kilala ang Diyos ay mga Taong Kontra sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

13. Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ay magkakaroon ng diwa ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magkakaroon ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging katawang-tao, ilalahad Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay nagiging katawang-tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at nagagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang katawan na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Para masiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan itong matukoy ng tao mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy mula sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy[a] kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay bigyang-pansin ang Kanyang diwa (Kanyang gawa, Kanyang mga salita, Kanyang disposisyon, at marami pang iba), sa halip na ang panlabas na anyo. Kung ang nakikita lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at hindi niya napapansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan ang kamangmangan at kawalang-muwang ng tao.

Hinango mula sa Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

14. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang kalabisan tungkol dito, sapagka’t Siya ay may taglay ng diwa ng Diyos, at may taglay ng disposisyon ng Diyos, at may karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Sila na itinuturing ang sarili nila bilang Cristo, nguni’t hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos ay mga manlilinlang. Ang Cristo ay hindi lang ang pagpapakita ng Diyos sa lupa, kundi ang partikular na katawang-tao ring tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa tao. Ang katawang-taong ito ay hindi kayang palitan ng kahit na sinong tao lang, kundi ng isang taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at makapagpapahayag ng disposisyon ng Diyos, at maaaring katawanin nang husto ang Diyos, at makapagbibigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, yaong mga nagpapanggap na Cristo ay babagsak na lahat, dahil kahit sinasabi nila na sila ang Cristo, wala silang taglay na diwa ng Cristo. Kaya nga sinasabi Ko na ang pagiging-tunay ng Cristo ay hindi kayang tukuyin ng tao, nguni’t ito’y sinasagot at pinagpapasiyahan ng Diyos Mismo.

Hinango mula sa “Tanging ang Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

15. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at ang Cristo ay ang katawang pinasukan ng Espiritu ng Diyos. Ang katawang ito ay hindi katulad ng sinumang taong may katawan. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng sinumang tao. Ang Kanyang normal na katauhan ang sumusuporta sa lahat ng Kanyang normal na mga gawain sa katawang-tao, samantalang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo. Maging ito man ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapasakop sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang diwa ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay, ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang diwa ay yaong sa Diyos Mismo; ang diwa na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na nakasisira sa Kanyang sariling gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang mga salita na sumasalungat sa Kanyang sariling kalooban.

……

Kahit na si Cristo ang kumakatawan sa Diyos Mismo sa katawang-tao at personal na isinasakatuparan ang gawain na dapat gawin ng Diyos Mismo, hindi Niya itinatanggi ang pag-iral ng Diyos sa langit, ni mainit na ipinahahayag ang Kanyang mga sariling gawa. Sa halip, Siya ay mapagkumbabang nananatiling nakatago sa loob ng Kanyang katawang-tao. Bukod kay Cristo, silang mga may kabulaanang nag-aangking sila ay si Cristo ay wala ng mga katangian Niya. Kapag ikinumpara laban sa mga mapagmataas at mapagmapuri sa sariling disposisyon niyaong mga huwad na Cristo, nagiging mas malinaw kung ano ang klase ng katawang-tao ng tunay na Cristo. Mas huwad sila, mas lalong ipinagyayabang ng gayong mga huwad na Cristo ang kanilang mga sarili, at mas may kakayahan silang gumawa ng mga palatandaan at mga kagila-gilalas na mga bagay upang linlangin ang tao. Ang mga huwad na Cristo ay walang mga katangian ng Diyos; si Cristo ay hindi nabahiran ng kahit anong katangiang mayroon ang mga huwad na Cristo. Ang Diyos ay nagkatawang-tao lamang upang tapusin ang mga gawain ng katawang-tao, hindi lamang upang pahintulutan ang lahat ng tao na makita Siya. Sa halip, hinahayaan Niya na ang Kanyang gawain ang magkumpirma ng Kanyang pagkakakilanlan, at pinahihintulutan kung ano ang Kanyang ihahayag upang patunayan ang Kanyang diwa. Ang Kanyang diwa ay hindi walang-basehan; ang Kanyang pagkakakilanlan ay hindi inagaw ng Kanyang kamay; ito ay nalalaman sa pamamagitan ng Kanyang gawain at ng Kanyang diwa. …

Ang gawain at pagpapahayag ni Cristo ang nagpapakita sa Kanyang diwa. Siya ay may kakayahang kumpletuhin nang may totoong puso yaong naipagkatiwala sa Kanya. Siya ay may kakayahang sambahin ang Diyos sa langit na may totoong puso, at taglay ang totoong puso ay hinahanap ang kalooban ng Diyos Ama. Ito ay nalalamang lahat sa pamamagitan ng Kanyang diwa. At gayundin ang Kanyang likas na pagbubunyag ay nalalaman sa pamamagitan ng Kanyang diwa; ang dahilan na ang Kanyang likas na pagbubunyag ay tinatawag na ganyan ay sapagka’t ang kanyang pagpapahayag ay hindi gaya-gaya o bunga ng pag-aaral ng tao, o resulta ng maraming taong paglilinang ng tao. Hindi Niya ito natutuhan o pinalamutihan ang Kanyang sarili nito; bagkus ito ay likas sa Kanyang kaloob-looban.

Hinango mula sa “Ang Diwa ni Cristo ay Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

16. Kung, sa kasalukuyan, mayroong isang tao na darating na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpalayas ng mga demonyo, magpagaling ng maysakit, at magpakita ng maraming milagro, at kung ang taong ito ay nagsasabing sila si Jesus na dumating, kung gayon ay ito ang huwad na masasamang espiritu, at ang kanilang paggaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling isasagawa ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain. Ang gawain ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao; halimbawa, hinulaan na ng Lumang Tipan ang pagdating ng Mesiyas, nguni’t ang nangyari ay dumating si Jesus, kung kaya’t hindi tama na darating ang isa pang Mesiyas. Dumating na nang minsan si Jesus, at ito ay magiging mali kung si Jesus ay darating pang muli sa panahong ito. Mayroong isang pangalan para sa bawat kapanahunan, at bawat pangalan ay inilalarawan ng kapanahunan. Sa mga pagkaintindi ng tao, kailangan ay laging magpakita ang Diyos ng mga tanda at kababalaghan, laging magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo, at laging maging katulad ni Jesus, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na ganyan ang Diyos. Kung, nitong mga huling araw, ang Diyos ay nagpapakita pa rin ng mga tanda at kababalaghan, at nagpapalayas pa rin ng mga demonyo at nagpapagaling ng maysakit—kung ginawa Niya ang eksaktong ginawa ni Jesus—uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at ang gawain ni Jesus ay walang magiging kabuluhan o halaga. Kaya, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Kapag ang isang yugto ng Kanyang gawain ay nakumpleto na, agad itong ginagaya ng masasamang espiritu, at matapos simulan ni Satanas na sundan ang mga yapak ng Diyos, binabago ng Diyos ang pamamaraan. Kapag nakumpleto na ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, ginagaya ito ng masasamang espiritu. Kailangan mong malinawan ito.

Hinango mula sa “Pagkilala sa Gawain ng Diyos Ngayon” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

17. May ilang sinasaniban ng masasamang espiritu at paulit-ulit na sumisigaw ng, “Ako ay Diyos!” Nguni’t sa katapusan, sila ay nabubunyag dahil sila ay mali sa kanilang kinakatawan. Kinakatawan nila si Satanas, at hindi sila binibigyang-pansin ng Banal na Espiritu. Gaano man kataas ang pagpapahalaga mo sa iyong sarili o gaano ka man kalakas sumigaw, ikaw ay isang nilalang pa rin at isa na nabibilang kay Satanas. Kailanman hindi Ako sumisigaw, “Ako ay Diyos, Ako ang sinisintang Anak ng Diyos!” Nguni’t ang gawaing ginagawa Ko ay gawain ng Diyos. Kailangan Ko bang sumigaw? Hindi kailangan ang pagpaparangal. Ginagawa ng Diyos ang Kanyang Mismong gawain at hindi kailangan ng tao na bigyan Siya ng isang katayuan o kagalang-galang na titulo: sapat na ang Kanyang gawain upang kumatawan sa Kanyang pagkakakilanlan at katayuan. Bago ang Kanyang bautismo, hindi ba si Jesus ang Diyos Mismo? Hindi ba Siya ang nagkatawang-taong Diyos? Tiyak na hindi maaaring sabihin na naging tanging Anak ng Diyos lamang Siya pagkatapos Niyang napatotohanan? Wala bang tao na may pangalang Jesus sa panahon bago Siya nagsimula ng Kanyang gawain? Hindi ka maaaring maghatid ng mga bagong landas o kumatawan sa Espiritu. Hindi mo maaaring ipahayag ang gawain ng Espiritu o ang mga salita na sinasabi Niya. Hindi mo kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo o yaong sa Espiritu. Hindi mo maaaring ipahayag ang karunungan, himala, at pagiging di-maarok ng Diyos, o ang lahat ng mga disposisyon sa pagkastigo ng Diyos sa tao: lahat ng ito ay lumampas sa iyong kakayahang magpahayag. Kaya hindi mahalaga ang iyong mga paulit-ulit na pag-angkin na ikaw ang Diyos; mayroon ka lamang pangalan at wala niyaong sangkap. Dumating ang Diyos Mismo, nguni’t walang nakakakilala sa Kanya, nguni’t patuloy Siya sa Kanyang gawain at ginagawa ang gayon sa pagkatawan sa Espiritu. Kahit tawagin mo Siyang tao o Diyos, ang Panginoon o Cristo, o tawagin Siyang kapatid na babae, ayos lamang lahat ng ito. Nguni’t ang gawaing ginagawa Niya ay yaong sa Espiritu at kumakatawan sa gawain ng Diyos Mismo. Wala Siyang pakialam tungkol sa pangalan na itinatawag sa Kanya ng tao. Puwede bang matukoy ng pangalang iyan ang Kanyang gawain? Hindi alintana kung ano ang tawag mo sa Kanya, mula sa pananaw ng Diyos, Siya ay ang naging taong katawan ng Espiritu ng Diyos; kinakatawan Niya ang Espiritu at pinahihintulutan Niya. Hindi ka makakagawa ng daan para sa isang bagong kapanahunan, at hindi mo maaaring dalhin ang luma sa katapusan, at hindi maaaring maghatid ng isang bagong kapanahunan o gumawa ng bagong gawain. Samakatuwid, hindi ka maaaring tawaging Diyos!

Hinango mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

18. Kung ang tao ay tinatawag ang kanyang sarili na Diyos nguni’t hindi kayang ipahayag ang kabuuan ng pagka-Diyos, gawin ang gawain ng Diyos Mismo, o katawanin ang Diyos, siya ay walang-alinlangang hindi Diyos, dahil wala sa kanya ang diwa ng Diyos, at yaong likas na kayang makamit ng Diyos ay hindi umiiral sa loob niya.

Hinango mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Talababa:

a. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “para sa.”

Category: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Views: 152 | Added by: lih400847 | Rating: 0.0/0
Total comments: 0
avatar