Nakágáwâ na Ako ng maraming gawain sa kalagitnaan ninyo, at siyempre, nakágáwâ na rin ng ilang mga pagbigkas. Nguni’t hindi Ko mapipigilang maramdaman na hindi pa lubusang natutupad ng mga salita Ko at mga gawain Ko ang layunin ng Aking gawain sa mga huling araw. Dahil, sa mga huling araw, ang gawain Ko ay hindi alang-alang sa isang tao o grupo ng mga tao, kundi upang ipakita ang Aking likas na disposisyon. Gayunman, dahil sa hindi mabilang na kadahilanan—marahil sa kakulangan ng oras o masyadong abala sa trabaho—hindi na nagawa ng Aking disposisyon na makilala Ako ng tao kahit na katiting. Kaya nagpapatuloy Ako sa bago Kong plano, tungo sa pang ... Read more »

Category: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Views: 121 | Added by: lih400847 | Date: 01.04.2020 | Comments (0)

Ang pagkilala sa gawain ng Diyos sa mga panahong ito, sa pinakamalaking bahagi, ay ang pagkilala kung ano ang pangunahing ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, at kung ano ang Kanyang pakay na gagawin sa daigdig. Akin nang nabanggit sa Aking mga sinabi na ang Diyos ay naparito sa lupa (sa mga huling araw) upang magbigay-halimbawa bago lumisan. Paano ipinakikita ng Diyos ang halimbawang ito? Sa pamamagitan ng pagsasalita, sa pamamagitan ng paggawa at pagsasalita sa buong lupain. Ito ang gawain ng Diyos sa mga huling araw; Siya ay nagsasalita lamang, nang sa gayon ang daigdig ay maging isang mundo ng mga salita, upang ang bawat tao ay napaglalaanan at nalili ... Read more »

Category: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Views: 97 | Added by: lih400847 | Date: 01.03.2020 | Comments (0)

Bilang isa na naniniwala sa Diyos, dapat mong maunawaan na, ngayon, sa pagtanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at ng lahat ng gawain ng plano ng Diyos sa iyo, ikaw ay talagang nakatanggap na ng malaking pagpaparangal at kaligtasan mula sa Diyos. Ang lahat ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok na sa kalipunang ito ng mga tao. Nailaan na Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at isinakripisyo ang lahat para sa inyo; Kanyang nabawi na at naibigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong sansinukob. Iyan ang dahilan kung bakit Ko sinasabing, kayo ang mapalad. Higit pa rito, nailipat na Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang K ... Read more »

Category: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Views: 90 | Added by: lih400847 | Date: 12.23.2019 | Comments (0)

 

Upang makapagpatotoo sa Diyos at mapahiya ang malaking pulang dragon, dapat mayroon kang prinsipyo at isang kondisyon: Dapat mong mahalin ang Diyos sa iyong puso, at pumasok sa mga salita ng Diyos. Kung hindi ka papasok sa mga salita ng Diyos, kung gayon wala kang paraan na pahiyain si Satanas. Sa iyong pagsulong sa buhay, itinatakwil mo ang malaking pulang dragon at lubos na ipinapahiya ito, at sa pamamagitan lamang nito talagang napapahiya ang malaking pulan ... Read more »

Category: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Views: 111 | Added by: lih400847 | Date: 12.21.2019 | Comments (0)

 

Sa ngayon, hangarin ninyo na maging mga tao ng Diyos, at dapat simulan ang buong pagpasok sa tamang landas. Ang maging mga tao ng Diyos ay nangangahulugan ng pagpasok sa Kapanahunan ng Kaharian. Sa kasalukuyan, opisyal na ninyong sinisimulan ang pagpasok sa pagsasanay ng kaharian, at ang inyong hinaharap na mga buhay ay titigil sa pagiging makupad at pabaya kagaya nang dati; ang gayong mga buhay ay walang kakayahan sa pagtatamo ng mga pamantayang kinakailangan ng Diyos. Kung hindi ka nakakadama ng anumang pagmamadali, kung gayon ay ipinapakita nit ... Read more »

Category: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Views: 116 | Added by: lih400847 | Date: 12.10.2019 | Comments (0)

Ang gawain na ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ng panlupang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa bayan ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang isang bayan na natagpuan Niyang angkop upang itakda ang sakop ng Kanyang gawain. Ang Israel ang lugar kung saan nilikha ng Diyos si Adan at Eva, at mula sa alabok sa lugar na iyon nilikha ni Jehova ang tao; ang lugar na ito ay naging himpilan ng Kanyang gawain sa lupa. Ang mga Israelita, na siyang mga inapo ni Noe at mga inapo din ni Adan, ay ang mga makataong pundasyon ng ... Read more »

Category: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Views: 112 | Added by: lih400847 | Date: 12.09.2019 | Comments (0)

Ang Aking buong plano ng pamamahala, ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa simula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na siya ring Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang Aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa katangian ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto angkop ang gawaing ito sa mga pangangailangan ng tao—o, para mas malinaw, ginagawa ito ayon sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikidigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay m ... Read more »

Category: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Views: 86 | Added by: lih400847 | Date: 11.27.2019 | Comments (0)

 

Dapat ninyong malaman ang tungkol sa kuwentong napapaloob at ang paglikha ng Biblia. Ang kaalamang ito ay hindi pinanghahawakan niyaong mga hindi nakakatanggap sa bagong gawain ng Diyos. Hindi nila nalalaman. Ipaliwanag mo sa kanila ang mga bagay na ito na may katuturan, at hindi sila magiging mapagpilosopo sa iyo tungkol sa Biblia. Palagi nilang sinusuring mabuti kung ano ang hinulaan na: Nagkatotoo ba ang pahayag na ito? Nagkatotoo ba ang pahayag na iyon? Ang kanilang pagtanggap sa ebanghelyo ay alinsunod sa Biblia; ipinangangaral nila ang ebanghelyo alinsunod ... Read more »

Category: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Views: 107 | Added by: lih400847 | Date: 11.26.2019 | Comments (0)

Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong yugto. Hindi kabilang sa tatlong yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawain ng paglikha ng mundo ay ang gawain ng paggawa sa buong sangkatauhan. Hindi ito ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at walang kinalaman sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, sapagka’t noong nilikha ang mundo ang tao ay hindi pa natiwali ni Satanas, at sa gayon walang pangangailangan na isagawa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nag-umpisa lamang noong ang tao ay na ... Read more »

Category: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Views: 94 | Added by: lih400847 | Date: 11.13.2019 | Comments (0)

Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay may dalawang bahagi. Nang una Siyang naging tao, hindi Siya pinaniwalaan ni kinilala ng mga tao, anupa’t ipinako si Jesus sa krus. Sa pangalawang pagkakataon, gayon din, hindi naniwala sa Kanya ang mga tao, lalo pa ang kilalanin Siya, at minsan pang ipinako si Cristo sa krus. Hindi ba’t ang tao ay kaaway ng Diyos? Kung hindi Siya kilala ng tao, paano ang tao magiging malapit sa Diyos? At paano siya nagkaroon ng kakayahang magpatotoo sa Diyos? Hindi ba’t ang mga pagsasabi ng pagmamahal sa Diyos, paglilingkod sa Diyos, pagluwalhati sa Diyos ay lahat mapanlinlang na kasinungalingan? Kung itutuon mo ang iyong buhay sa mga di-makatotohanan at di-praktikal na mga bagay na ito, hindi ba gumagawa ka nang walang kabuluhan? Paano ka m ... Read more »

Category: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Views: 97 | Added by: lih400847 | Date: 11.12.2019 | Comments (0)

« 1 2 3 4 5 ... 11 12 »