6:34 PM
Nagbalik na ang Panginoon | Totoo Nga Bang Walang Nakakaalam Kung Kailan Darating ang Diyos

Nagbalik na ang Panginoon | Totoo Nga Bang Walang Nakakaalam Kung Kailan Darating ang Diyos 
Nagbalik na ang Panginoon | Totoo Nga Bang Walang Nakakaalam Kung Kailan Darating ang Diyos

Ni Xia Han

Pagkatapos ng agahan, nag-umpisang basahin ni Chen Yuhan ang Biblia nang makarinig siya ng katok sa pinto. Binuksan niya ang pinto at nalaman na ang katrabaho pala niyang si He Xinguang at ang asawa nitong si Xinyu pala iyon.

Pumasok ang mag-asawa at umupo. Pagkatapos ay nalilitong sinabi ni Xinguang, “Nakaramdam ako ng pagkabagabag sa puso ko nang umuwi ako pagkatapos ng pagpupulong kasama ng mga katrabaho kahapon. Gaya ng alam natin, ito ang kritikal na oras ng pagdating ng Panginoon sa mga huling araw. Maraming tao ang saksi na nagbalik na ang Panginoon, ngunit sinabi ni Pastor Liu na walang nakakaalam kung kailan darating ang Panginoon, dahil sinasabi sa Biblia: ‘Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang’ (Mateo 24:36). Kung kaya’t lahat ng mga balitang nagsasaad na nagbalik na ang Panginoon ay mali. Isa pa, sinabi niya sa’ming huwag makikinig, manonood o lalapit sa ganoong klase ng balita kung sakaling malinlang kami. Habang iniisip ko ang kanyang mga salita, lalo kong nararamdaman na may mali. Kaya pinagdudahan ko ang kanyang mga salita. Kung talagang nagbalik na nga ang Panginoon at hindi tayo makikinig, manonood o lalapit sa mga nakasaksi ng pagbabalik ng Panginoon, magagawa ba nating salubungin ang Panginoon?”

Pinag-isipan iyon ni Yuhan at sinabing, “Isa ngang problema ang sinabi mo. Dapat tayong mag-ingat sa pagbabalik ng Panginoon. Hindi tayo dapat na bulag na sumunod kay Pastor Liu. Ngayong nakita na natin na ang mga kalamidad sa mundo ay lalo pang lumalala at dumadalas. Naganap na ang mga propesiya sa pagbabalik ng Panginoon. Oras na upang magbalik ang Panginoon. Desperado nating hinihintay ang pagbabalik ng Panginoon at ang makasama Siya sa hapag at tamasahin ang mga biyaya ng kaharian sa kalangitan. Ngayon, narinig kong marami na ang nakasaksi sa pagbabalik ng Panginoon. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay,” binuksan niya ang Biblia, “malinaw na sinabi ito ng Panginoon: ‘Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang’ (Mateo 24:36). Kahit na ang Anak ng tao ay hindi alam kung kailan Siya babalik, kaya paano nila nalaman? Gayunman, kung walang nakakaalam sa pagbabalik ng Panginoon, paano natin tatanggapin ang pagsalba ng Panginoon? Kung gayon ay anong silbi ng Kanyang pagbabalik? Nalilito din ako doon.”

Tumango si Xinguang at sinabing, “Isa talaga iyong problema. Nang makauwi ako galing sa pagpupulong kahapon, nagdasal ako sa Panginoon at sinubukang intindihin ang taludtod na ito. Nang basahin ko itong muli ngayong umaga, bigla kong naintindihan. Ang taludtod na ‘Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam’ ay hindi nangangahulugan na walang nakakaalam kung kailan babalik ang Pnaginoon. Ang ibig sabihin niyon ay walang nakakaalam ng petsa at oras na darating ang Panginoon. Mayroong makakakilala sa Panginoon matapos Siyang bumalik. Kung hindi, paanong ang mga salita ng Panginoong Hesus na ‘Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya’ (Mateo 25:6) ay matutupad? At ang taludtod na ‘pagkahating gabi ay may sumigaw’ ay nagpapakita na mayroong makakaalam sa sandaling dumating ang Panginoon.”

Namamanghang sinabi ni Xinyu, “Oh! Ito ay pagliliwanag ng Diyos! Malinaw na sinasabi ng taludtod na walang makakaalam ng petsa at oras ng Kanyang pagbabalik, na nangangahulugan na hindi natin alam ang eksaktong petsa ng Kanyang pagbabalik. Ngunit siguradong may ilang mga taong makakakilala sa Panginoon kapag Siya ay bumalik at kumikilos kasama ng mga tao. Iyon ay katuparan ng taludtod na ‘Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya’ (Mateo 25:6). Hindi ba? Gayunman, mali ang pagkakaintindi ni Pastor Liu sa Biblia at sinabing walang makakaalam sa pagbabalik ng Panginoon. Hindi ba’t nakakapanlinlang ng tao ang interpretasyon niyang iyon? Sayang! Talagang mga ignorante tayo! Napakalinaw ng taludtod na ito, kaya bakit hindi ko ito naintindihan noon? Sigurado, mayroong makakaalam sa pagbabalik ng Panginoon.

Nag-isip ng malalim si Yuhan. Nang marinig niya ang pagbabahagi nina Xinguang at Xinyu, nasasabik niyang sinabi, “Salamat sa Diyos sa Kanyang awa. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ngayon, naintindihan ko na sa wakas na ang taludtod na nagsasabing walang nakakaalam ng eksaktong oras ng pagbabalik ng Panginoon, ngunit mayroong makakaalam kapag Siya ay bumalik na at nagsimulang kumilos. Gaya sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Hesus ang gawain ng pagtubos. Kahit na hinulaan ng mga propeta na ang Mesiyas ay darating, walang nakaalam kung anong oras at kung paano Siya darating. Nang magsimula nang kumilos at mangaral ang Panginoon Hesus, maraming tao ang nakakilala sa Kanya. Katulad niyon, walang nakakaalam ng petsa at oras ng pagbabalik ng Panginoon. Ngunit kapag bumalik na ang Panginoon at nagsimulang kumilos, siguradong may makakakilala sa Kanya. Ang mga makakakilala sa Panginoon ay ikakalat iyon at magiging saksi ng Kanyang pagbabalik. Tama ba ako?

Nasasabik na sinabi ni Xinyu, “Oo, tama ka! Salamat sa Panginoon para sa Kanyang paglilinaw na naging dahilan upang maintindihan natin ang Kanyang mga salita. Hindi maliit na bagay ang pagbabalik ng Panginoon. Hindi ba’t lahat tayong nananalig ay hinihintay ang pagdating ng Panginoon at dalhin tayo sa kaharian sa kalangitan?”

Masayang tumango si Yuhan. Pagkatapos ay bigla siyang may naalala. Tumingin siya kay Xinguang at sinabing, “Paano natin sasalubungin ang pagdating ng Panginoon kung hindi natin alam ang eksaktong petsa ng Kanyang pagdating?”

Saglit na nag-isip si Xinguang at pagkatapos ay sinabing, “Naisip ko na rin iyan. Nagdasal ako sa Panginoon at hinanap ang kasagutan. Pagkatapos ay naalala kong minsang sinabi ng Panginoon: ‘Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin’ (Juan 10:27). ‘Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating’ (Juan 16:12-13). ‘Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko’ (Pahayag 3:20). Lahat ng mga taludtod na ito ay ipinapakita na magsasalitang muli ang Panginoon kapag Siya ay nagbalik na. Ang matatalinong birhen ay sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoon dahil lamang narinig nila ang tinig ng Panginoon na nagsasabing maaari silang dumalo sa piging ng Panginoon. Dapat tayong lumabas upang hanapin ang mga bagong salita ng Panginoon tulad ng ginagawa ng mga matatalinong birhen. Kapag narinig natin ang anunsiyo na parating na ang kasintahang lalaki, dapat tayong lumabas at salubungin ang Panginoon. Kung magagawa nating makilala ang tinig ng Diyos, sasalubungin natin ang pagbabalik ng Panginoon at susundin ang mga yabag ng Diyos, hindi ba?”

Masayang sinabi ni Yuhan, “Tama! Iyon nga! Salamat sa Diyos! Tunay na biyaya mula sa Diyos ang pagbabahagi na tulad ng sa ngayon! Ngayon ay alam na natin kung na ang makikilala ang tinig ng Panginoon ang praktikal na daan tungo sa pagsalubong sa Panginoon!”
Madamdaming sinabi ni Xinyu, “Ngayon ay mayroon na tayong daan upang salubungin ang Panginoon….”

Category: Mga aklat ng ebanghelyo | Views: 201 | Added by: lih400847 | Tags: gawa ng Diyos, propesiya sa bibliya, mga pangako ng Diyos | Rating: 0.0/0
Total comments: 0
avatar