11:13 PM
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan | Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa

Ang mga tao ay mahabang panahon nang naniniwala sa Diyos, gayon pa man karamihan sa kanila ay walang pagkaunawa dito sa salitang “Diyos.” Sila ay sumusunod lamang sa kalituhan. Wala silang pahiwatig sa talagang dahilan kung bakit ang tao ay dapat maniwala sa Diyos o kung ano ba talaga ang Diyos. Kung alam lamang ng mga tao na maniwala at sumunod sa Diyos, nguni’t hindi kung ano ang Diyos, ni nauunawaan nila ang Diyos, kung gayon hindi ba ito ang pinakamalaking katatawanan sa mundo? Kahit na nasasaksihan ng tao ang maraming makalangit na mga misteryo sa ngayon at nakakarinig ng higit na malalim na kaalaman na hindi kailanman naabot ng tao noon, sila ay nasa dilim sa marami sa mga pinakapayak at ‘di-pa-napapag-isipang mga katotohanan. Ang ilan sa mga tao ay maaaring nagsasabi, “Kami ay naniniwala sa Diyos sa loob ng maraming taon. Paanong hindi namin malalaman kung ano ang Diyos? Hindi ba tayo minamaliit nito?” Nguni’t sa katotohanan, kahit na ang lahat ay sumusunod sa Akin ngayon, walang sinuman ang may anumang pagkaunawa tungkol sa lahat ng gawain ngayon. Binibitawan nila ang kahit na pinakapayak at pinakamadali sa mga katanungan, lalo na ang pinaka-kumplikadong tanong na ito tungkol sa “Diyos.” Dapat mong malaman na yaong mga katanungan na isinasantabi mo at hindi kayang tuklasin ang siya mong pinaka-dapat maunawaan, dahil ang alam mo lamang ay sumunod sa karamihan, hindi binibigyang-pansin at hindi pinahahalagahan ang kung ano dapat ang isinasangkap mo sa iyong sarili. Alam mo ba talaga kung bakit dapat kang magkaroon ng pananampalataya sa Diyos? Alam mo ba talaga kung ano ang Diyos? Alam mo ba talaga kung ano ang tao? Bilang isang tao na may pananampalataya sa Diyos, kung ikaw ay nabibigong unawain ang mga bagay na ito, hindi mo ba naiwawala ang dignidad ng isang mananampalataya ng Diyos? Ang Aking gawain ngayon ay ito: upang ipaunawa sa mga tao ang kanilang kakanyahan, ipaunawa ang lahat ng Aking ginagawa, at ipaalam ang tunay na mukha ng Diyos—ito ang pangwakas na tagpo ng Aking plano sa pamamahala, ang huling yugto ng Aking gawain. Kaya Ko sinasabi sa inyo ang lahat ng misteryo ng buhay nang pauna, upang matanggap ninyong lahat ang mga iyon mula sa Akin. Dahil ito ay ang gawain sa huling kapanahunan, dapat Kong sabihin sa inyo ang lahat ng mga katotohanan ng buhay na hindi pa ninyo nalulunok noon, kahit na hindi pa ninyo kayang unawain ang mga iyon at hindi kayang dalhin ang mga iyon, dahil kayo ay masyadong kulang at walang paghahanda. Gusto Kong wakasan ang Aking gawain, tapusin ang lahat ng Aking kinakailangang gawin, at ipaalam sa inyo nang buo kung ano ang iniuutos Ko sa inyo, kung hindi ay baka muli kayong maligaw at maniwala sa panlilinlang niyaong masama kapag dumarating ang kadiliman. Maraming mga paraan na hindi ninyo kayang abutin, maraming mga bagay na hindi ninyo naiintindihan. Kayo ay masyadong mangmang. Alam Ko ang inyong katayuan at gayundin ang inyong mga pagkukulang. Samakatuwid, kahit na maraming salita na hindi ninyo kayang maintindihan, nais Ko pa ring sabihin sa inyo ang lahat ng mga katotohanang ito na hindi pa ninyo kailanman nalulunok noong una—dahil lagi Akong nababahala kung, sa inyong kasalukuyang katayuan, magagawa ninyong maging patotoo para sa Akin. Hindi sa minamaliit Ko kayo. Kayong lahat ay mga hayop na hindi dumaraan sa Aking pormal na pagsasanay, at ito ay tunay na nakapagdududa kung gaano kalaki ang kaluwalhatian na nasa inyo. Kahit na Ako ay gumugugol ng matinding enerhiya sa paggawa sa inyo, tila walang positibong elemento ang nasa inyo, habang ang negatibong elemento ay nabibilang sa mga daliri at nakatuon lamang sa mga patotoo para hiyain si Satanas. Halos lahat ng bagay sa inyo ay lason ni Satanas. Nakatingin kayo sa Akin na parang hindi kayo maliligtas. Kaya, anuman ang kalagayan ng mga bagay-bagay sa ngayon, tinitingnan Ko ang inyong iba’t ibang mga pagkilos, at sa wakas ay nalalaman Ko ang inyong tunay na katayuan. Kaya Ako ay patuloy na nababahala sa inyo: Iniwan upang mabuhay sa kanyang sarili, magiging mas maayos kaya ang kalalabasan ng tao kaysa o hambing sa kung ano siya ngayon? Hindi ba kayo nababalisa sa inyong katayuang parang-bata? Maaari ba kayong maging tulad ng piniling bayan ng Israel, tapat sa Akin at sa Akin lamang sa lahat ng pagkakataon? Ang inyong ipinakikita ay hindi ang kaharutan ng mga bata pag hindi nakatingin ang kanilang mga magulang, kundi ang kalupitang lumalabas sa mga hayop kapag sila ay hindi maabot ng hagupit ng kanilang mga amo. Dapat ninyong malaman ang inyong mga kalikasan, na siya ring kahinaan ninyong lahat, ang inyong sakit na pare-pareho. Kaya ang Akin lamang pangaral sa inyo ngayon ay maging patotoo para sa Akin. Huwag kailanman sa anumang pangyayari na hayaan ang lumang sakit na muling sumumpong. Ang pinaka-mahalagang bagay ay magbigay ng patotoo. Iyan ang sentro ng Aking gawain. Dapat ninyong tanggapin ang Aking mga salita tulad ng pagtanggap ni Maria sa pagbubunyag ni Jehova sa kanya sa isang panaginip, naniniwala at pagkatapos ay sumusunod. Tanging ito lamang ang masasabing malinis. Dahil kayo ang madalas nakaririnig ng Aking mga salita, ang Aking mga pinaka-pinagpala. Ibinibigay Ko sa inyo ang lahat ng Aking mga mahalagang pag-aari, ipinagkakaloob nang ganap ang lahat sa inyo. Ang inyong katayuan at ng bayan ng Israel, gayunpaman, ay magkaibang-magkaiba, ganap na magkahiwalay na mundo. Nguni’t kung ikukumpara sa kanila, kayo ay tumatanggap ng ibayong mas marami. Habang sila ay desperadong naghihintay sa Aking pagpapakita, kayo ay masaya nang kasama Ako, nakikibahagi sa Aking mga kayamanan. Kung ihahambing, ano ang nagbibigay sa inyo ng karapatang magputakan at makipagbangayan sa Akin at humingi ng mga bahagi ng Aking pag-aari? Hindi ba kayo nakakatanggap nang sapat? Binibigyan Ko kayo nang sobra, nguni’t ang isinusukli ninyo sa Akin ay nakadudurog-sa-pusong kalungkutan at pagkabalisa at hindi-mapigil na sama-ng-loob at kawalang-kasiyahan. Kayo ay masyadong karima-rimarim, gayunma’y nakakaawa rin kayo. Kaya’t Ako ay walang pagpipilian kung hindi lunukin lahat ng Aking sama-ng-loob at magpasubali sa inyo nang paulit-ulit. Sa mahigit ilang libong taong ito ng gawain, hindi Ako nagdala ng anumang mga pagtutol sa sangkatauhan noon dahil Aking natutuklasan na sa kasaysayan ng pag-unlad ng sangkatauhan, tanging ang mga panlilinlang lamang sa gitna ninyo ang pinaka-kilala. Ang mga iyon ay tulad ng mahalagang mga pamana na iniwan sa inyo ng sikat na ninuno ng kalumaan. Talagang kinamumuhian Ko yaong mga mas-mababa-kaysa-taong mga baboy at aso. Kayo ay walang konsensya! Ang inyong karakter ay masyadong mababa! Ang inyong mga puso ay masyadong matigas! Kung dinala Ko ang mga salita Kong ito at Aking gawain sa Israel, matagal Ko na dapat nakamit ang kaluwalhatian. Nguni’t hindi gayon sa inyo. Sa inyo mayroon lamang malupit na kapabayaan, ang inyong malamig na pagtrato, at ang inyong mga palusot. Kayo ay masyadong walang-pakiramdam at masyadong walang-halaga!

Dapat ninyong ibigay ang inyong lahat-lahat para sa Aking gawain. Dapat kayong gumawa ng gawaing kapaki-pakinabang sa Akin. Gusto Kong sabihin sa inyo ang tungkol sa lahat ng bagay na hindi malinaw sa inyo nang sa gayon ay matatamo ninyo ang lahat ng kakulangan sa inyo mula sa Akin. Kahit na ang inyong mga depekto ay hindi-mabilang, handa Akong ipagpatuloy ang Aking mga gawain na dapat Kong gawin sa inyo, iginagawad sa inyo ng Aking huling awa nang sa gayon ay maaari kayong makinabang mula sa Akin at makatamo ng kaluwalhatiang wala sa inyo at hindi pa kailanman nakikita ng mundo. Ako ay gumagawa na sa loob ng napakaraming taon, nguni’t walang sinuman sa mga tao ang kailanman ay nakakilala sa Akin. Gusto Kong sabihin sa inyo ang mga lihim na hindi Ko pa kailanman nasasabi kanino man.

Sa gitna ng mga tao, Ako ang Espiritu na hindi nila makita, ang Espiritu na hindi nila kailanman makakaugnay. Dahil sa Aking tatlong yugto ng gawain sa lupa (paglikha ng mundo, pagtubos, at pagsira), nagpapakita Ako sa kalagitnaan nila sa iba’t ibang panahon (hindi kailanman hayagan) upang gawin ang Aking gawain sa gitna ng mga tao. Ang unang pagkakataon na Ako ay dumating sa gitna ng mga tao ay noong Panahon ng Pagtubos. Mangyari pa, Ako ay dumating sa gitna ng pamilyang Hudyo; samakatuwid ang unang nakakita sa pagdating ng Diyos sa lupa ay ang mga taong Hudyo. Ang dahilan kung bakit ginawa Ko ang gawaing ito nang personal ay dahil nais Kong gamitin ang Aking katawang-tao bilang handog para sa kasalanan sa Aking gawain ng pagtubos. Kaya ang unang nakakita sa Akin ay ang mga Hudyo sa Kapanahunan ng Biyaya. Iyon ay ang unang pagkakataon na Ako ay gumawa sa katawang-tao. Sa Kapanahunan ng Kaharian, Ang Aking gawain ay manlupig at magperpekto, kaya gumagawa Ako ulit ng gawaing pagpapastol sa katawang-tao. Ito ang Aking ikalawang pagkakataon ng paggawa sa katawang-tao. Sa huling dalawang yugto ng gawain, ang nakakaugnay ng tao ay hindi na ang di-nakikita, di-nahihipong Espiritu, kundi isang tao na siyang ang Espiritu na naging-totoo bilang katawang-tao. Kaya sa mata ng tao, Ako ay muling naging tao na walang hitsura at pakiramdam ng Diyos. Bukod dito, ang Diyos na nakikita ng mga tao ay hindi lamang lalaki, kundi babae rin, siyang pinaka-kagulat-gulat at nakalilito sa kanila. Muli’t muli, ang Aking pambihirang gawain ay bumabasag sa lumang mga paniniwalang tinataglay na sa napakaraming taon. Ang mga tao ay tulala! Ang Diyos ay hindi lamang ang Banal na Espiritu, ang Espiritung iyon, pitong beses na pinatinding Espiritu, ang sumasaklaw-sa-lahat na Espiritu, kundi isa ring tao, isang ordinaryong tao, isang napakakaraniwang tao. Hindi lamang Siya lalaki, kundi babae rin. Sila ay may pagkakapareho dahil sa pareho silang ipinanganak ng tao, at magkaiba dahil ipinanganak ang isa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at ang isa ay ipinanganak ng tao nguni’t nagmula mismo sa Espiritu. Sila ay magkatulad dahil sila ay parehong katawang-tao ng Diyos na nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Ama, at magkaiba dahil ang isa ay gumagawa ng gawain ng pagtubos at ang isa ay gumagawa ng gawain ng panlulupig. Parehong kumakatawan sa Diyos Ama, nguni’t ang isa ay ang Panginoon ng pagtubos na puno ng kagandahang-loob at awa, at ang isa naman ay ang Diyos ng katuwiran na puspos ng galit at paghatol. Ang isa ay ang Kataas-taasang Tagapagpatupad upang ilunsad ang gawain ng pagtubos, at ang isa ay ang matuwid na Diyos upang tuparin ang gawain ng panlulupig. Ang isa ay ang Simula, at ang isa naman ay ang Wakas. Ang isa ay walang kasalanang katawan, ang isa naman ay katawan na tumatapos ng pagtubos, nagpapatuloy ng gawain, at hindi kailanman sa kasalanan. Ang dalawa ay ang parehong Espiritu, ngunit nanahan Sila sa magkaibang katawang-tao at ipinanganak sa magkaibang mga lugar. At Sila ay pinaghihiwalay ng ilang libong taon. Gayon man, ang lahat ng Kanilang gawain ay nagpupuno sa isa’t isa, hindi magkasalungat, at maaaring patungkulan nang magkasabay. Pareho Silang tao, nguni’t ang isa ay batang lalaki at ang isa naman ay batang babae. Sa loob ng napakaraming taon na ito, ang nakita ng mga tao ay hindi lamang ang Espiritu at hindi lamang isang tao, isang lalaki, kundi maraming bagay na hindi tugma sa paniwala ng tao, at sa gayon hindi kailanman nila nagagawang lubos na arukin Ako. Patuloy sila sa kalahating paniniwala at kalahating pag-aalinlangan sa Akin, na Ako ay mistulang umiiral at gayon man ay isa ring panaginip. Kaya hanggang sa araw na ito, hindi pa rin alam ng mga tao kung ano ang Diyos. Maaari mo ba Akong ibuod sa isang simpleng pangungusap? Talaga bang naglalakas-loob kang sabihing “Si Jesus ay walang iba kundi ang Diyos, at ang Diyos ay walang iba kundi si Jesus”? Ikaw ba ay talagang napakatapang na magsasabing “Ang Diyos ay walang iba kundi ang Espiritu, at ang Espiritu ay walang iba kundi ang Diyos”? Ikaw ba ay kumportable na sabihing “Ang Diyos ay tao lamang na nadaramitan ng katawang-tao”? Ikaw ba ay talagang mayroong tapang igiit na “Ang imahe ni Jesus ay ang dakilang imahe lamang ng Diyos?” Kaya mo bang ipaliwanag nang lubusan ang disposisyon at larawan ng Diyos gamit ang kahusayan ng iyong talento sa pagsasalita? Talaga bang mayroon kang lakas-ng-loob na sabihing “Lalaki lamang ang nilikha ng Diyos, hindi babae, sa Kanyang sariling larawan”? Kung sinasabi mo ito, kung gayon walang babaeng makakabilang sa Aking pinili at magiging higit na mas mababang uri ang mga kababaihan sa sangkatauhan. Ngayon tunay mo bang nalalaman kung ano ang Diyos? Ang Diyos ba ay tao? Ang Diyos ba ay isang Espiritu? Ang Diyos ba ay talagang isang lalaki? Si Jesus lamang ba ang nakakakumpleto sa gawain na nais Kong gawin? Kung isa lamang ang pinili mo sa itaas upang sabihin nang buo ang Aking kakanyahan, kung gayon ikaw ay magiging isang lubhang mangmang na tapat na mananampalataya. Kung Ako ay gumagawa bilang katawang-tao nang minsan at isang beses lamang, maaari ninyo ba Akong limitahan? Talaga bang nauunawaan mo Ako nang lubusan sa isang tingin lamang? Talaga bang nabubuod mo Ako nang ganap salamat sa iyong mga natatahakan sa panahon ng iyong buhay? At kung sa Aking dalawang pagkakatawang-tao ginagawa Ko ang parehong gawain, paano ninyo Ako mararamdaman? Iiwan mo ba Akong magpakailanman na nakapako sa krus? Maaari bang maging kasing simple ng sinasabi mo ang Diyos?

Kahit na ang inyong pananampalataya ay napakataos-puso, walang sinuman sa inyo ang may kakayahan upang ipaliwanag Ako nang lubusan, at walang sinuman sa inyo ang may kakayahang magpatotoo nang lubusan sa lahat ng mga katotohanang nakikita ninyo. Pag-isipan ninyo ito. Sa sandaling ito marami sa inyo ang nagpapabaya sa inyong mga tungkulin, sa halip ay naghahabol sa mga bagay ng laman, pinasasaya ang laman at nagpapasasa sa pagpapakasaya sa laman. Maliit na katotohanan ang taglay ninyo. Paano kayo nakakapagpatotoo sa lahat ng mga nakikita ninyo? Kumpiyansa ba kayo talaga na maaari kayong maging Aking saksi? Kung isang araw hindi mo nagagawang magpatotoo sa lahat ng nakikita mo ngayon, kung gayon naiwala mo na ang iyong silbi bilang isang nilalang. Mawawalan na ng anupamang kahulugan ang iyong pag-iral. Ikaw ay hindi karapat-dapat sa pagiging isang tao. Masasabi pa na ikaw ay hindi magiging isang tao! Ako ay nakagagawa ng walang-hangganang dami ng gawain sa inyo. Nguni’t dahil wala kang natututunan sa kasalukuyan, walang nalalaman, at gumagawa nang walang-kabuluhan, kapag kailangan Kong palawakin ang Aking gawain, ikaw ay tititig nang blangko, tahimik at lubos na walang-silbi. Hindi ka ba nito gagawing makasalanan habampanahon? Kapag dumarating ang panahong iyon, maaari mo bang hindi maramdaman ang matinding panghihinayang? Maaari bang hindi ka masadlak sa kalungkutan? Hindi Ko ginagawa ang lahat ng mga gawaing ito ngayon nang dahil sa inip, kundi upang maglagay ng isang pundasyon para sa Aking gawain sa hinaharap. Ito ay hindi dahil wala na Akong patutunguhan at kailangan Kong makabuo ng bago. Dapat mong maunawaan na ang ginagawa Ko ay hindi larong pambata[a] kundi kumakatawan sa Aking Ama. Dapat ninyong malaman na hindi lamang Ako ang gumagawa ng lahat ng ito ng Aking sarili. Sa halip, kinakatawan Ko ang Aking Ama. Samantala, ang inyong papel ay ang sumunod nang mahigpit, tumalima, magbago, at magpatotoo. Ang dapat ninyong maunawaan ay kung bakit kayo dapat maniwala sa Akin. Ito ang pinakamahalagang tanong para sa bawa’t isa sa inyo na maunawaan. Ang Aking Ama, para sa kapakanan ng Kanyang kaluwalhatian, ay itinadhana kayong lahat para sa Akin mula sa sandaling nilikha Niya ang mundo. Ito ay walang iba kundi para sa kapakanan ng Aking gawain, at para sa kapakanan ng Kanyang kaluwalhatian, na itinadhana Niya kayo. Ito ay dahil sa Aking Ama kaya kayo ay sumasampalataya sa Akin; ito ay dahil sa pagtatadhana ng Aking Ama na sundin ninyo Ako. Wala sa mga ito ang mula sa inyong sariling pagpili. Higit na mas mahalaga na maunawaan ninyo na kayo ang siyang ipinagkaloob sa Akin ng Aking Ama para sa layunin ng pagpapatotoo para sa Akin. Dahil ipinagkaloob Niya kayo sa Akin, dapat kayong sumunod sa mga paraan na ipagkakaloob Ko sa inyo at sa mga paraan at mga salita na itinuturo Ko sa inyo, dahil tungkulin ninyong manatili sa Aking mga daan. Ito ang orihinal na layunin ng inyong pananampalataya sa Akin. Kaya sinasabi Ko sa inyo, kayo ay mga tao lamang na ipinagkaloob ng Aking Ama sa Akin upang manatili sa Aking mga daan. Gayunman, kayo ay naniniwala lamang sa Akin; kayo’y hindi sa Akin sapagka’t kayo’y hindi galing sa pamilyang Israelita bagkus ay sa uri ng sinaunang ahas. Ang tangi Ko lamang hinihingi sa inyo na gawin ay maging saksi para sa Akin, nguni’t ngayon ay dapat kayong lumakad sa Aking mga daan. Ang lahat ng ito ay para sa kapakanan ng mga pagpapatotoo sa hinaharap. Kung kayo lamang ay gumaganap bilang mga tao na nakikinig sa Aking mga daan, kung gayon hindi kayo magkakaroon ng anumang halaga at ang kabuluhan ng pagkakaloob ng Aking Ama ninyo sa Akin ay mawawala. Ang pilit kong sinasabi sa inyo ay ito: “Dapat kayong lumakad sa Aking mga daan.”

Mga Talababa:

a. Ang orihinal na teksto ay nababasang “isang batang naglalaro sa kalye.”

Category: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Views: 92 | Added by: lih400847 | Tags: Ang Katotohana, Salita ng Diyos, Ang Kaligtasan ng Diyos | Rating: 0.0/0
Total comments: 0
avatar