Sinasabi mo na kailangang tanggapin ng yaong nananalig sa Diyos ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at saka lamang madadalisay ang kanilang tiwaling disposisyon at maliligtas sila mismo ng Diyos. Pero, ayon sa mga hinihingi ng Panginoon, tayo ay nagpapakumbaba at nagpapasensya, nagmamahal tayo sa ating mga kaaway, nagpapasan ng ating krus, tumatalikod sa mga makamundong bagay, gumagawa at nagpapalaganap ng ebanghelyo para sa Panginoon, at kung anu-ano pa. Kaya hindi ba ang lahat ng ito ay mga pagbabago natin? Palagi tayong naghahangad sa ganitong paraan, kaya hindi rin ba natin maaaring matamo ang pagdadalisay at pagdadala sa kaharian ng langit?

Category: Mga aklat ng ebanghelyo | Views: 123 | Added by: lih400847 | Date: 09.25.2019 | Comments (0)

 Sinusunod natin ang halimbawa ni Pablo at nagsusumikap para sa Panginoon sa pangangaral ng ebanghelyo, pagsaksi sa Panginoon, at pagpapastol sa mga iglesia ng Panginoon, gaya ng ginawa ni Pablo: “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya” (2 Timoteo 4:7). Hindi ba pagsunod ito sa kalooban ng Diyos? Ang ganitong uri ng pagsasagawa ay dapat nangangahulugan na karapat-dapat tayong madala at makapasok sa kaharian ng langit, kaya bakit natin kailangang tanggapin ang gawain ng paghatol at pagdadalisay ng Diyos sa mga huling araw bago tayo madala sa kaharian ng langit?

Category: Mga aklat ng ebanghelyo | Views: 128 | Added by: lih400847 | Date: 09.25.2019 | Comments (0)