Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay may dalawang bahagi. Nang una Siyang naging tao, hindi Siya pinaniwalaan ni kinilala ng mga tao, anupa’t ipinako si Jesus sa krus. Sa pangalawang pagkakataon, gayon din, hindi naniwala sa Kanya ang mga tao, lalo pa ang kilalanin Siya, at minsan pang ipinako si Cristo sa krus. Hindi ba’t ang tao ay kaaway ng Diyos? Kung hindi Siya kilala ng tao, paano ang tao magiging malapit sa Diyos? At paano siya nagkaroon ng kakayahang magpatotoo sa Diyos? Hindi ba’t ang mga pagsasabi ng pagmamahal sa Diyos, paglilingkod sa Diyos, pagluwalhati sa Diyos ay lahat mapanlinlang na kasinungalingan? Kung itutuon mo ang iyong buhay sa mga di-makatotohanan at di-praktikal na mga bagay na ito, hindi ba gumagawa ka nang walang kabuluhan? Paano ka m ... Read more »

Category: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Views: 97 | Added by: lih400847 | Date: 11.12.2019 | Comments (0)