Ang Panginoong Jesus ang Diyos na nagkatawang-tao; ito ay hindi mapag-aalinlanganan. Ngayo’y nagpapatotoo ka na ang Makapangyarihang Diyos ang Panginoong Jesus na nagbalik sa katawang-tao, pero sinasabi ng mga relihiyosong pastor at elder na ang pinaniniwalaan mo ay tao lamang, na ikaw ay nalinlang. Hindi namin ito maunawaan. Noong maging tao ang Panginoong Jesus at dumating para gawin ang gawain ng pagtubos, sinabi rin ng mga Judiong Fariseo na Siya ay tao lamang, sinasabi na sinumang naniwala sa Kanya ay nalilinlang. Samakatwid, gusto naming hanapin ang aspetong ito ng katotohanan tungkol sa pagkakatawang-tao ng Diyos. Ano ba talaga ang pagkakatawang-tao, at ano ang diwa ng pagkakatawang-tao? Pakibahagi mo naman ito sa amin.
 

 

 

Category: Mga aklat ng ebanghelyo | Views: 113 | Added by: lih400847 | Date: 01.28.2020 | Comments (0)