11:34 PM
Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Paalam sa Pagiging “Mabait”

 

Gawa ni Lin Fan, Spain

Ginugol ko ang kabataan ko sa gitna ng pagsigaw at pagmumura ng madrasta ko. Kinalaunan, nang mas may alam na ako, para makasundo ang madrasta ko at ang mga tao sa paligid ko, ipinamuhay ko ang satanikong batas ng kaligtasan na “Mas mabuting manahimik kesa maghanap ng gulo; manatiling tahimik para sa pangangalaga sa sarili at isipin lang na makatakas sa paninisi,” at “Ang pananahimik sa mga pagkakamali ng mabubuting kaibigan ay tumutulong sa mahaba at mabuting pagkakaibigan.” Pinuri ako ng iba dahil dito at sinabi ng lahat na madali akong pakisamahan. Unti-unti, nakabuo ako ng ilang aral sa buhay: Kung gusto kong mabuhay sa madilim at masamang lipunang ito, kailangan kong makasundo ang mga tao sa paligid ko. Doon lang ako mapapabilang. Matapos pumunta sa iglesia, kumilos pa rin ako sa parehong mga prinsipyo. Kapag may nakakaharap akong problema habang nagsasagawa ng tungkulin ko, nananahimik ako, takot na makakagalit ng mga tao ang pagturo ko sa problema at makakasama ’yon sa ’kin. Ang pagkabigo kong maisagawa ang katotohanan ay nakasama sa gawain ng iglesia at isang kasalanan sa Diyos. Ipinakita sa ’kin ng pagkastigo at paghatol ng mga salita ng Diyos ang tunay kong mukha bilang isang “mabait” na tao, at tinuruan ako ng ilang kaalaman sa katuturan ng “mababait” na taong ’yon. Nakita kong nakakapinsala sa iba at nakakasakit sa sarili ko ang pagiging “mabait,” na tinahak ko ang landas na wala nang balikan—ang landas ng paglaban sa Diyos—kaya nagpasya akong itakwil ang mga hadlang ng aking kaisipang “pagiging mabait,” para magkaro’n ng lakas ng loob na isagawa ang katotohanan at sumunod sa prinsipyo, at danasin ang kaunting pagkakahawig sa isang taong matapat.

Noong 2018, napili akong maging isang mid-level na pinuno. Laking pasasalamat ko sa Diyos sa pagbibigay Niya sa akin ng pagkakataong ito na magsanay, at nagpasya akong isagawa nang maayos ang tungkulin ko, para mapasaya ang Diyos, at para matupad ang mga inaasahan ng Diyos sa akin. Nang katatanggap ko pa lang sa aking tungkulin, hindi ako gaanong pamilyar sa ilan sa mga gawain sa iglesia. Si Sister Liu, na itinakdang maging kasama ko, ay mahigit isang taon nang nagsasagawa ng tungkuling ito at medyo pamilyar na sa iba-ibang aspeto ng gawain ng iglesia. Kapag may kinakaharap akong problema, tinatanong ko kay Sister Liu, at madalas niya akong tinutulungan. Pero unti-unti kong natanto na sa mga pagtitipon, mga titik at doktrina lang ang sinasabi ni Sister Liu, at walang katotohanan ng pagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Napakapasibo niya rin at hindi gumagawa ng tunay na gawain pagdating sa pagsasagawa ng kanyang tungkulin. Nang mag-ulat sa kanya ng mga problema ang mga kapatid, hindi niya ’yon sinubukang ayusin; sa partikular, hindi niya pinangasiwaan ang mga huwad na pinuno sa iglesia na kailangang mapalitan kaagad, ngunit sa halip ay patuloy na pinagpaliban ang problema. Sa mga panahong ito, maraming beses na binanggit ni Sister Liu kung paanong ang pinuno ng iglesia na si Sister Zhang ay simpleng ginawa lang ang kanyang mga dapat gawin, kung paanong hindi siya kailanman gumawa ng tunay na gawain nang ginagampanan ang kanyang tungkulin, at walang sinabi bukod sa mga titik at doktrina sa mga pagtitipon. Bukod pa rito, hindi rin tinanggap ni Sister Zhang ang mga mungkahi o tulong ng iba. Ngunit matapos sabihin ito, tila walang anumang intensyon si Sister Liu na palitan si Sister Zhang. Kalaunan, nang makilala ko si Sister Zhang, natuklasan kong talaga ngang kagaya siya ng kung ano’ng sinabi ni Sister Liu tungkol sa kanya, kaya sinabi ko kay Sister Liu, “Sa pagsusukat sa kung ano’ng pinakita ni Sister Zhang ayon sa prinsipyo, isa siyang huwad na pinuno na hindi nagpupursiging makamit ang katotohanan, hindi gumagawa ng tunay na gawain, at walang gawain ng Banal na Espiritu. Dapat siyang palitan.” Pero maagan lang na sinagot ni Sister Liu, “Maaaring hindi sapat ang kakayahan ni Sister Zhang, pero sa nakakagawa pa rin siya ng ilang gawain sa ngayon. Subukan natin at tulungan natin siya.” Sa puso ko, naisip ko: “Sa mga pag-aayos ng gawain natin, sinasabing sa sandaling natuklasan ang mga huwad na pinuno sa iglesia, dapat silang mapalitan sa lalong madaling panahon. Nailantad na bilang isang huwad na pinuno si Sister Zhang, kaya dapat siyang palitan!” Ibubuka ko na sana ang bibig ko para sabihin ito, nang maisip ko sa sarili ko: “Matagal nang ginagampanan ni Sister Liu ang tungkulin niya bilang isang pinuno, dapat alam niya na ang mga kinakailangan sa pag-aayos ng trabaho. Kapag iginiit ko, iisipin niya bang nagrereklamo ako, at mahirap akong pakisamahan? Hay! Bago ako sa ganito at marami akong hindi nauunawaan. Ilang panahon ko rin siyang makakatrabaho—pag nakipagtalo ako kay Sister Liu dahil dito, paano namin gagampanan ang tungkulin namin nang magkasama? Dapat kalimutan ko na lang ’to!” Sa pag-iisip ko nito, hindi na ako nagsalita pa.

Kalaunan, maraming beses akong nakipagbahagi kay Sister Zhang, pero walang mabuting pagbabago sa kalagayan niya. Pagkatapos ipinaalam sa akin ng ibang mga kapatid sa iglesia na hindi gumagawa ng tunay na gawain si Sister Zhang, at napagtanto kong dapat nang aksyunan agad ang problema. Hindi na ako nagsayang ng oras, bumalik ako kay Sister Liu para talakayin ang pagpapalit kay Sister Zhang. Pero nagsimulang gumawa ng mga dahilan si Sister Liu: “Pinapatunayan na ng matataas na pinuno ang mga sulat ng akusasyon. Papalitan siya kapag nakumpirma nilang isa nga siyang huwad na pinuno.” Sa puso ko naisip ko, “Kung talagang isa siyang huwad na pinuno, dapat na siyang palitan sa lalong madaling panahon. Pag hinintay natin ang pagpapatunay nila bago natin siya palitan, maaantala ang gawain ng iglesia, at maaantala rin ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Paglaban ito sa Diyos!” Gusto kong kausapin si Sister Liu tungkol sa kahalagahan ng pagpapalit ng mga huwad na pinuno, pero naisip ko: “Kapag gumawa ako ng punto tungkol sa pagpapalit kay Sister Zhang, iisipin kaya ni Sister Liu na masyado akong mayabang at palalo, na sinusubukan ko lang patunayan ang sarili ko sa bago kong posisyon sa pamamagitan ng pagpapasikat dito? Bukod do’n, hindi sinabi ni Sister Liu na hindi aaksyunan si Sister Zhang; sinabi niya lang na maghintay ng kumpirmasyon mula sa matataas na pinuno bago gumawa ng anumang bagay—kaya mas mabuting manahimik ako. Sa loob lang naman ng ilang araw ’to.” Kaya itinago ko na lang sa sarili ko ang mga salita ko. Pagkaraan ng ilang araw, isinailalim kaming mga mid-level na pinuno sa mahigpit na panghihiya ng matataas na pinuno dahil sa hindi agarang pangangasiwa sa huwad na pinuno ng iglesia. Sabi nila hindi namin pinoprotektahan ang mga pinili ng Diyos, na kami ang mga kakutsaba, mga panangga, ni Satanas, na pinapahamak namin ang ibang mga kapatid. Doon lang mabilis na tinanggal si Sister Zhang. Habang inaayos ito, natuklasan ko na matagal na panahon nang hindi gumagawa ng anumang tunay na gawain si Sister Zhang. Hindi siya kailanman naging epektibo sa gawaing pang-ebanghelyo ng iglesia kung saan siya ang may pananagutan, at namuhay sa gitna ng pagka-negatibo at kahinaan ang lahat ng mga kapatid. May ilang ayaw pumunta sa pagtitipon. Nang makita ko kung gaano kalaking pinsala ang dinala sa iglesia ng hindi agarang pag-aksyon sa isang huwad na pinuno, nakaramdam ako ng matinding pagsisisi sa puso ko. Pero hindi ako gumugol ng mas maraming oras sa pagninilay tungkol sa bagay na ito at sikaping kilalanin ang sarili ko, sa paniniwalang sapat nang napalitan na si Sister Zhang.

Pagkatapos, nagsimulang maglitawan ang mga malalang problema sa lahat ng aspeto ng gawain mula sa mga iglesiang si Sister Liu ang may pananagutan. Nang siya ay pinungos at inaksyunan ng matataas na pinuno, hindi lang siya hindi nagsisi, nguni’t nabuhay siya sa pagka-negatibo at paglaban, ayaw nang gampanan ang kanyang tungkulin. Nang makita ko ang katayuan ni Sister Liu, ginusto kong ihayag ang mga problemang ito sa kanya para mapagnilayan niya, pero nag-alala rin ako: “Kapag sinabi ko sa kanyang pagnilayan niya ang sarili niya, sasabihin niya kayang hindi ako nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa kanya, na wala akong pagmamahal para sa kanya? Magiging mahirap na gumawa nang magkasama kapag naging malamig kami sa isa’t isa.” Matapos ko itong pag-isipan, ibinahagi ko sa kanya ang kalooban ng Diyos sa isang napakapaliguy-ligoy na paraan, at pinayuhan siyang itigil na ang pagiging negatibo. Pagkatapos, madalas nagrereklamo si Sister Liu, at nakikipagtalo tungkol sa tama at mali—malinaw na wala sa kanya ang gawain ng Banal na Espiritu. Inisip ko kung paanong hindi kailanman gumawa ng tunay na gawain si Sister Liu simula nang magkasama kaming nagsagawa ng mga tungkulin. Mga palatandaan ito ng isang huwad na pinuno! Sa panahong ito hiniling ng matataas na pinuno na magsulat ako ng isang pagsusuri kay Sister Liu. Talagang salungat ang mga damdaming naramdaman ko sa puso ko: Dapat ba akong maging tapat tungkol sa kung ano ang karaniwang ipinahayag ni Sister Liu? Kapag hindi ko inulat ito, poprotektahan ko ang isang huwad na pinuno at hindi ko pinagtitibay ang gawain ng tahanan ng Diyos. Pero hindi alam ng karamihan sa mga kapatid kung ano talaga ang nangyayari. Hindi nila napapansin ’yon, at suportado nila si Sister Liu. Kapag sumugal ako at iniulat ang mga problema niya, magiging masama ba ang tingin nila sa akin? Bukod do’n, araw-araw akong namuhay kasama si Sister Liu. Tinulungan niya ako nung meron akong mga problema. Kapag iniulat ko ang mga problema niya at talaga napalitan siya, kamumuhian niya ba ako? Kaya, matapos timbangin ang mga kalamangan at kahinaan, hindi ko gaanong ipinaalam ang palatandaan ng pagkabigo ni Sister Liu na gumawa ng tunay na gawain at kulang ang aking itinala sa sinulat kong pagsusuri tungkol sa kanya. Matapos kong maipasa ang pagsusuri, nakaramdam ako ng matinding pagkabalisa sa puso ko. Napagtanto kong itinago ko ang mga katotohanan at nilinlang ang Diyos. Nakaramdam ako ng matinding akusasyon sa espiritu ko. Sa sumunod na ilang araw, nakakatulog ako habang nagbabasa ng mga salita ng Diyos, at hindi ako naliliwanagan at napapaliwanagan sa mga pagtitipon at pagbabahagi. Hindi ko madama ang patnubay ng Diyos, ni hindi ko rin magawang kilalanin ang mga problema sa iglesia. Pagkaraan ng ilang araw, matapos magsagawa ng pagsisiyasat at makumpirma na isang huwad na pinuno si Sister Liu na hindi gumawa ng tunay na gawain, tinanggal siya ng matataas na pinuno. Kahit tinanggal na si Sister Liu, para sa pagpapanatili ng kaugnayan ko sa kanya tinalikuran ko ang katotohanan at nagkasala. Habang iniisip ito, nilamon ako ng kahihiyan at pagpaparatang sa sarili. Agad akong nagdasal sa Diyos at nagsimulang magnilay sa aking sarili.

Kinalaunan, nabasa ko sa mga salita ng Diyos na “Ang pinakapangunahin at pinakamahalagang mga bahagi ng pagkatao ng sinuman ay ang konsiyensya at katwiran. Anong klaseng tao ang isang taong walang konsiyensya at walang katwiran ng normal na pagkatao? Sa pangkalahatan, siya ay isang taong walang pagkatao o masama ang pagkatao. … Ang gayong mga tao ay basta na sa kanilang mga pagkilos, at walang malasakit sa mga bagay na wala silang pansariling kinalaman. Hindi nila isinasaalang-alang ang mga kapakanan ng tahanan ng Diyos ni nagpapakita sila ng pagsasaalang-alang para sa kalooban ng Diyos. Wala silang pinapasang kabigatan ukol sa pagpapatotoo sa Diyos o sa pagganap sa kanilang mga tungkulin at walang pagpapahalaga sa pananagutan. … May iba pa ngang mga tao na, pag nakakakita ng problema, ay nananatiling tahimik. Nakikita nila na ang iba ay lumilikha ng mga pag-antala at mga paggambala, datapuwa’t wala silang ginagawa para pigilan ito. Hindi nila isinasaalang-alang kahit man lamang ang mga kapakanan ng tahanan ng Diyos, ni iniisip man lamang ang kanilang sariling mga tungkulin o pananagutan kung saan sila ay nakatali. Sila ay nagsasalita, kumikilos, namumukod-tangi, nagpupunyagi, at gumugugol ng lakas para lamang sa kanilang sariling kalayawan, pangalan, katungkulan, mga kapakanan, at karangalan” (“Makakamtan Mo ang Katotohanan Matapos Ipagkaloob sa Diyos ang Iyong Tunay na Puso” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Nakabasa rin ako ng isang pagbabahagi na ganito ang sinasabi, “Lahat ng tumitingin sa anyo ng huwad na mga pinuno at anticristo, na nagagawang makilala sila, ngunit hindi gumagawa sa kanilang responsibilidad, hindi pinoprotektahan ang mga taong pinili, o pinagtitibay ang gawain ng Diyos, natatakot na makasakit sa mga tao, nagiging ‘mabait’—hindi mahal ng mga gano’ng tao ang Diyos, at hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang mga gano’ng tao. Hindi pineperpekto ng Diyos ang mga taong ‘mabait’; ang mga ganitong tao ay mahirap dakpin, tuso, mapanlinlang, sumasabay sila sa ihip ng hangin, walang mabuti sa kanila, sila ay mga klasikong demonyo at Satanas” (“Ang Kaugnayan sa Pagitan ng Pagsusumikap na Makamit ang Pagmamahal ng Diyos at Pagiging Perpekto” sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay IX). Ang pagbabasa sa mga salita ng Diyos at sa pagbabahaging ito ay nagdulot sa akin ng matinding pagkabalisa, at hindi ko mapigilan ang mga luha ng kahihiyan. Nakita kong isa akong taong “mabait,” na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para protektahan ang sarili ko kapag may nangyari, wala akong ginawa para pagtibayin ang mga interes ng tahanan ng Diyos, at hindi ko alam ang aking obligasyon sa gawain ng iglesia at sa pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Alam kong lubos na nalantad si Sister Zhang bilang isang huwad na pinuno. Ang gawain ng iglesia, at ang pagpasok ng mga kapatid sa buhay, na responsibilidad niya ay nahadlangan, at alam kong kasalanan laban sa Diyos ang hindi agarang pagtanggal sa mga huwad na pinuno at galitin ang disposisyon ng Diyos, nguni’t mas gugustuhin ko nang labanan ang aking konsyensya at galitin ang Diyos kaysa galitin ang mga tao—bilang resulta no’n patuloy na pininsala ng huwad na pinuno ang mga pinili ng Diyos sa iglesia sa loob ng mahigit sa dalawang buwan. Sa kabila nito, hindi pa rin ako tumingin sa loob ko. Nang lumitaw ang mga malalang problema sa iba-ibang gawain na responsibilidad ni Sister Liu, at hindi niya lang hindi tinanggap ang pagpungos at pag-aksyon ng matataas na pinuno, kundi sumagot nang pagka-negatibo, dapat nagbigay na ako agad ng tulong at mga pahiwatig, at dapat ay nilantad at sinuri ang kalikasan at resulta ng gano’ng palatandaan, para makapagsisi kaagad ang kapatid. Gayunpaman, prinotektahan ko ang sarili kong mga interes, at nagbigay lang ng ilang salitang pampalubag-loob at payo. Nang pinasulat ako ng pagsusuri kay Sister Liu, alam ko nang malinaw na nawala na sa kanya ang gawain ng Banal na Espiritu, na hindi niya kayang lutasin ang mga problema ng iglesia, na isa siyang huwad na pinuno—pero para protektahan ang sarili kong katayuan, sinubukan kong itago ang mga katotohanan at pagtakpan si Sister Liu. Nakita kong prinotektahan ko nang paulit-ulit ang isang huwad na pinuno, na mas gugustuhin ko pang maapektuhan ang gawain ng iglesia kaysa isagawa ang katotohanan at sumunod sa kabutihan, na ang sarili ko lang na mga interes ang pinahalagahan ko, at hindi ako nagbigay ng kaunting pagsasaalang-alang sa gawain ng iglesia o kung nabuhay o namatay ang mga kapatid; sa gano’ng pagkilos, naging isa akong panangga ng isang huwad na pinuno, isa akong kasabwat ni Satanas na dumarating upang makialam at gambalain ang gawain ng tahanan ng Diyos. Nasan ang aking kabaitan? Isa akong taong “mabait,” na makasarili at walang dangal, tuso at mapanlinlang! Binigyan ako ng iglesia ng isang mahalagang tungkulin. Isinigaw kong gusto kong suklian ang pagmamahal ng Diyos at pasayahin ang Diyos, pero sinubukan ko talagang linlangin ang Diyos, at matapos makatagpo ng mga problema, palagi kong mas pinipiling kumampi kay Satanas at lumaban sa Diyos. Matagal nang ginagalit ng mga kilos ko ang disposisyon ng Diyos, kinamumuhian ito at hinahamak ng Diyos. Walang katapusan ang aking kahihiyan. Hindi ko mapigil na manalangin sa Diyos: O Diyos! Paulit-ulit akong lumaban sa Iyong kalooban, prinotektahan ang aking sarili, hindi isinagawa ang katotohanan, hinadlangan ang gawain ng iglesia, pinahamak ang buhay ng mga kapatid. Naghimagsik ako laban sa Iyo, nilabanan Kita, at kung hindi ako magsisisi, pagsurusahan ko ang kaparusahan ng Iyong pagkamakatuwiran. O Diyos! Nakagawa ako ng mali, nais kong magsisi sa Iyo, isagawa ang katotohanan upang makabawi sa aking mga kasalanan.

Pagkatapos, sa isang pagtitipon, iniulat ng mga kapatid kung paanong si Brother Li, na nakatrabaho ko, ay hindi gumagawa ng tunay na gawain. Iniulat nila na ginawa niya lang ang mga dapat niyang gawin sa mga pagtitipon, at hindi kaagad nagbahagi at naghanap ng solusyon nang makatagpo sila ng mga problema at paghihirap sa pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin. Pagkatapos, hinanap ko si Brother Li para magbahagi nang maraming beses. Nguni’t sumang-ayon lang siya sa sinabi ko; matapos ang ilang madaliang pagtanggap, ’yon na ’yon. Matapos ang ilang panahon, nagsimulang iulat uli ng mga kapatid ang palatandaan na hindi gumagawa ng tunay na gawain si Brother Li, na matagal nang humahadlang sa gawain ng iglesia at pumigil sa pagpapatuloy no’n. Sinukat ayon sa prinsipyo, isa ring huwad na pinuno si Brother Li na hindi gumawa ng tunay na gawain. Dapat kong iulat ito kaagad sa matataas na pinuno at ipatanggal siya. Pero sa pagbanggit pa lang sa pag-uulat kay Brother Li, bumalik ang pag-aalala at pagkabahala sa puso ko: “Si Brother Li ang pinakamatagal nang nagsasagawa ng kanyang tungkulin dito kaysa sa aming lahat. Tinuturing na siyang isang ‘elder.’ Madalas ko rin siyang sinasangguni tungkol sa mga pangyayari sa iglesia, at palagi niya akong tinutulungan. Kapag nalaman niyang matatanggal siya dahil sa ulat ko, ano’ng iisipin niya sa akin? Sasabihin niya bang wala akong utang na loob? Nakakahiya kung magkakaharap kami matapos ’yon. Marami sa ibang mga ka-manggagawa ang hindi nag-ulat tungkol kay Brother Li; kaya, mas makakabuti kung mananahimik na lang ako, hindi ako dapat magreklamo, at hindi ko dapat ’yon aksyunan hanggang sa matuklasan ng matataas na pinuno. Pero kung hindi ko agad iuulat ang sitwasyon at ipatatanggal si Brother Li, maaantala ko ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid, at mapapakialaman at magagambala ko ang gawain ng iglesia.” Nung sandaling ’yon, masyadong naguluhan ang puso ko, hindi ko alam kung ano’ng gagawin, kaya wala akong sinayang na oras sa pananalangin sa Diyos at paghahanap. Inisip ko ang mga salita ng Diyos: “Dapat ay pamalagiin mong nakagagawa ang Aking mga salita sa loob mo, kahit sino pa ang iyong kaharap; dapat ay makaya mong tumayo nang matibay sa iyong patotoo sa Akin at magpakita ng konsiderasyon sa Aking mga pasanin. Hindi ka maaaring malito, sumasang-ayon nang bulag sa mga tao nang wala kang tinataglay na sarili mong mga ideya, nguni’t sa halip dapat kang magkaroon ng lakas-ng-loob na tumayo at sumalungat sa mga bagay na hindi nagmumula sa Akin. Kung alam mo nang malinaw na ang isang bagay ay mali, gayunman ay nananatili kang tahimik, kung gayon ikaw ay hindi isa na nagsasagawa ng katotohanan. Kung alam mo na may isang bagay na mali at pagkatapos ay iibahin ang paksa, nguni’t hinaharangan ni Satanas ang iyong daraanan-ikaw ay nagsasalita nang walang anumang epekto at hindi makayang magtiyaga hanggang katapusan-kung gayon ikaw ay may tinataglay pa ring takot sa iyong puso, at hindi ba’t ang iyong puso ay puno pa rin ng mga kaisipan ni Satanas?” (“Kabanata 12” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “…nakapagsabi na ang lahat na isasaalang-alang nila ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia. Sino ba talaga ang nagsaalang-alang na sa pasanin ng Diyos? Itanong sa sarili: Ikaw ba’y isa na nagpakita na ng pagsasaalang-alang para sa pasanin ng Diyos? Makakapagsagawa ka ba ng pagkamakatuwiran para sa Diyos? Makakapanindigan ka ba at makakapagsalita para sa Akin? Maisasagawa mo ba nang matatag ang katotohanan? Ikaw ba’y may sapat na lakas ng loob na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas? Makakaya mo bang isantabi ang iyong mga damdamin at ilantad si Satanas para sa kapakanan ng Aking katotohanan? Mapapahintulutan mo ba ang Aking kalooban na matupad sa iyo? Naihandog mo na ba ang iyong puso kapag dumarating ang kritikal na sandali? Ikaw ba’y isa na nagsasakatuparan ng Aking kalooban? Tanungin mo ang sarili at mag-isip tungkol dito nang madalas” (“Kabanata 13” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nasa bawat naninising mga tanong ng Diyos ang Kanyang mga inaasahan sa akin. Nang may isang bagay na nangyari sa iglesia na lumabag sa mga prinsipyo ng katotohanan, umasa ang Diyos na tatayo ako sa panig ng Diyos, na magkakaro’n ako ng lakas ng loob na ilantad si Satanas at pagtibayin ang gawaiin ng iglesia, at magkaro’n ng diwa ng katuwiran. Nguni’t mula sa kung ano’ng ipinahayag sa akin at nakita sa akin, hindi ako isang taong maalalahanin sa kalooban ng Diyos o nagsagawa ng katotohanan: Nang makita ko na isang huwad na pinuno si Brother Li at kailangang palitan, para maprotektahan ang sarili kong mga interes at pagtibayin ang aking imahe sa puso niya, nag-atubili akong iulat ang sitwasyon kahit nang makatuklas ako ng mga problema, sinusubukang ipakarga ang bagay na ito sa matataas na pinuno, hindi nagbibigay ng ni kaunting konsiderasyon sa mga interes ng tahanan ng Diyos. Nakita ko kung gaano kasakim at katuso ang likas kong pagkatao! Bakit ako palaging naging “mabait” pagdating sa napakahalagang sandali, at hindi naglakas-loob na ipagtanggol ang gawain ng iglesia?

Pagkatapos, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ang tiwaling disposisyon ng tao ay nagbuhat sa pagkalason at pagyurak ni Satanas, mula sa napakalaking pinsala na idinulot na ni Satanas sa kanyang pag-iisip, moralidad, pang-unawa at katinuan. Ito ay tiyak na dahil ang mga pangunahing bagay ng tao ay nagawang tiwali na ni Satanas, at ganap na hindi na tulad ng orihinal na pagkalikha ng Diyos sa kanila, na ang tao ay lumalaban sa Diyos at hindi nauunawaan ang katotohanan” (“Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Sa sandaling nagkaroon ka na ng pananampalataya, kapag lumalapit sa Diyos nguni’t namumuhay pa rin sa dating gawi, ang iyo bang paniniwala sa Diyos ay makabuluhan? Mahalaga ba ito? Ang mga mithiin at mga prinsipyo ng iyong buhay at paraan ng iyong pamumuhay ay hindi nagbago, at ang tanging lamang mo sa mga hindi-mananampalataya ay ang iyong pagkilala sa Diyos. Sa tingin ay tila sumusunod ka sa Diyos, nguni’t hindi nagbago ni katiting ang iyong disposisyon. Sa huli, hindi ka maliligtas. Dahil sa ganyang kalagayan, hindi ba’t ito’y isang hungkag na paniniwala at hungkag na kagalakan?” (“Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Naiwawaksi Mo ang Mga Tali ng Isang Tiwaling Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Nabasa ko ang mga salitang ito sa isang pagbabahagi: “Ang mga taong nasa loob ng iglesia, na nabubuhay sa pilosopiya ni Satanas at sinusubukang hindi kailanman makasakit ng damdamin ninuman, maaari ba silang purihin ng Diyos? Talagang hindi sila maaaring purihin ng Diyos. Ang mga nagtatangkang hindi kailanman makasakit ng iba ay hindi nagpapatotoo. Hindi sila naninindigan sa panig ng Diyos, at tiyak na hindi masunurin sa Diyos. Ang mga taong nagtatangkang hindi manakit ng iba ay walang reyalidad ng katotohanan, kaya hindi sila maililigtas! Ang mga sumusubok na hindi manakit ng iba kailanman ay masyadong ginawang tiwali ni Satanas at nabubuhay sa pilosopiya ni Satanas. Nakikita sila ng iba bilang mabubuting tao, pero nakikita sila ng Diyos bilang mga taong hindi nagtataglay ng mga prinsipyo ng katotohanan, at tumatayo sa panig ni Satanas at sumusunod kay Satanas. Hindi ba ito ang sitwasyon? Maraming mga ganitong tao sa loob ng iglesia sa mga panahong ito. Kung hindi magbabago ang kanilang mga pananaw, malao’t kalaunan, mawawasak sila. Kung hindi mo kayang tumayo sa panig ng Diyos, tapos ka na” (Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay, Tomo 151). Naliwanagan ang puso ko nang binabasa ko ang mga salitang ito. Doon ko lang naunawaan na ang dahilan kaya palagi kong iniingatan ang sarili kong mga interes at sinusubukang maging “mabait” kapag may problema ay dahil sa ang mga batas ng kaligtasan ni Satanas—“Mas mabuting manahimik kesa maghanap ng gulo; manatiling tahimik para sa pangangalaga sa sarili at isipin lang na makatakas sa paninisi,” “Mas kakaunti ang gulo, mas mainam,” at “Ang pananahimik sa mga pagkakamali ng mabubuting kaibigan ay tumutulong sa mahaba at mabuting pagkakaibigan”—ay matagal nang naging buhay ko, gaya ng simula nang bata pa ako, naging maingat ako at isinaalang-alang ko ang mga pakikipag-ugnayan ko sa aking pamilya, mga kapit-bahay, at mga kaibigan, iniisip na magkakaro’n lang ako ng lugar sa mundo kung meron akong magandang mga ugnayan sa iba at hindi ako nananakit ng sinuman. Kahit kapag nakita ko ang ibang mga taong gumagawa ng maling mga bagay, hindi ako nangahas na sabihin ’yon; Iningatan ko lang ang sarili kong mga interes at nabuhay nang walang anumang paggalang sa sarili. Matapos akong magsimulang maniwala sa Diyos at magsagawa ng aking tungkulin, patuloy akong kumilos ayon sa mga napakasamang mga batas ng kaligtasang ito. Kapag nakita kong lumitaw sa iglesia ang isang huwad na pinuno na nagdala ng mga pagkalugi sa gawain ng iglesia, ang unang bagay na naisip ko ay ang sarili kong mga interes; Mas gugustuhin ko pang masaktan ang Diyos kaysa ibang tao, hindi ako nangahas na sumunod sa mga prinsipyo ng katotohanan at tumayo sa panig ng Diyos, at paulit-ulit, wala akong pakialam sa gawain ng iglesia. Alipin ako ni Satanas, at kinasuklaman ng Diyos. Sa oras na ito, nang matuklasan kong isang huwad na pinuno si Brother Li, sinubukan ko pa ring mabuhay sa interpersonal na mga pilosopiya ni Satanas, para mapanatili ang imahe ko sa kanyang puso. Isinasaalang-alang ko ang sarili kong mga interes. Nakita kong, sa pamumuhay sa pananaw sa buhay ng pagiging “mabait,” mas lalo akong naging makasarili at walang dangal, madaya at mapanlinlang, walang anumang wangis ng pagiging tao. Kasabay no’n, nalaman ko na huwad at nagpapaalipin din ang mga “mabait” na tao, wala silang ginagawa kundi gambalahin at istorbohin ang gawain ng tahanan ng Diyos sa bawat aspeto, mga tagasunod sila ni Satanas na dalubhasa sa pananakit at pagdadala ng pagkawasak sa iba, mga alipin sila, mga kalaban ng Diyos. Kinasusuklaman at hinahamak ng Diyos ang mga taong “mabait,” at hindi sila nililigtas o pineperpekto. Kung hindi ako nagsisi, at patuloy lang na tinahak ang landas ng isang taong “mabait,” aalisin at parurusahan ako ng Diyos sa huli! Nang malaman ko ito, napagtanto kong napakadelikado ng kalagayan ko, na hindi ko na dapat ipagpatuloy ’to; Dapat na akong tunay na magsisi sa Diyos, magsagawa ng katotohanan, at maging isang taong may diwa ng katuwiran.

Kinalaunan, iniulat ko ang sitwasyon ni Brother Li sa mga nakatataas na pinuno. Matapos ang kanilang imbestigasyon at pagtitiyak, natukoy nila na isang huwad na pinuno si Brother Li at hiniling nila sa akin na tanggalin siya sa kanyang mga tungkulin. Sa pag-iisip ng pagpapalit kay Brother Li—ng paglalantad at pagsusuri sa kanya dahil sa hindi paggawa ng tunay na gawain—nakaramdam ako ng kaunting hiya sa aking puso; Ayokong siyang harapin, takot akong saktan siya. Sa sandaling ’yon, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Kung taglay mo ang mga motibasyon at pananaw ng isang ‘mabait na tao,’ lagi kang magkukulang at mabibigo sa mga bagay na ito. Kaya ano ang dapat mong gawin sa gayong mga sitwasyon? Kapag naharap ka sa ganitong mga bagay, dapat kang manalangin sa Diyos. Hilingin sa Diyos na bigyan ka ng lakas, na tulutan ka Niyang masunod ang prinsipyo, na magawa mo ang dapat mong gawin, na mapangasiwaan mo ang mga bagay-bagay ayon sa prinsipyo, manindigan, at huwag hayaang masira ang gawain sa bahay ng Diyos. Kung kaya mong talikdan ang sarili mong mga interes, pinapanigan, at pananaw ng isang ‘mabait na tao,’ kung ginagawa mo ang dapat mong gawin nang tapat at buong puso, kung gayon, natalo mo na si Satanas, at matatamo na ang aspetong ito ng katotohanan” (“Nahahabol Mo Lamang ang Katotohanan Kapag Kilala Mo ang Iyong Sarili” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Sa isang pagbabahagi sinabi na “Ang ilan sa mga pinili ng Diyos ay may diwa ng katuwiran; alang-alang sa pagprotekta sa mga pinili at sa gawain ng tahanan ng Diyos, may tapang silang ilantad ang mga huwad na pinuno at mga anticristo. Ang mga gayong tao ay matapat at tahasan, mahal sila ng Diyos, at sila ang mga tunay na nagmamahal sa katotohanan. Tanging ang mga nagmamahal sa katotohanan at may tunay na mga palatandaan ang siyang tunay na nagsisisi, at tiyak na sila ang maliligtas” (“Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Salita ng Diyos na ‘Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II’ (XX)” sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay XII). Mula sa mga salita ng Diyos at sa pagbabahaging ito, makikita na minamahal ng Diyos ang mga tapat at may diwa ng katuwiran, na sila ang mga uri ng tao na maliligtas at mapeperpekto. Ngayon, isang huwad na pinuno ang nagpakita sa iglesia. Tinitingnan ng Diyos kung paano ko ginawan ng paraan ang bagay na ito, kung prinotektahan ko ba ang sarili kong mga interes o isinaalang-alang ang mga interes ng iglesia, kung nagawa ko bang isagawa ang katotohanan at hindi ako gumawa ng mga pagpaparaya kay Satanas. Noon, hindi ako sumusunod sa kalooban ng Diyos, at pinagtaksilan ko ang mga pag-asa ng Diyos para sa akin. Sa oras na ito, tungkol sa paksa ng pagpapalit kay Brother Li, tatanggapin ko ang masusing pagsisiyasat ng Diyos, itutuwid ko ang aking mga sariling intensyon, at anuman ang tinuro sa akin ni Brother Li o pagtrato niya sa akin, hindi ko na dapat protektahan ang sarili kong mga interes. Ang paglalantad at pagpapalit ng mga huwad na pinuno ay tungkulin kong dapat isagawa, at ’yon ay pananagutan ko; Dapat kong ipagtibay ang gawain ng iglesia, isaalang-alang ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid, manindigan sa panig ng Diyos, at kaagad na palitan si Borther Li at ilantad ang mga palatandaan niya. Kung si Brother Li ay isang taong naghanap ng katotohanan, kung gano’n tutulungan siyang magnilay sa sarili ng kanyang pagpapalit, na mapapakinabangan sa kanyang pagpasok sa buhay, at pipigilin siyang gumawa ng mas maraming pagkakasala sa harap ng Diyos. At kaya nanalangin ako sa Diyos: Gabayan nawa ako ng Diyos, at bigyan ako ng lakas ng loob na magbahagi kay Brother Li. Matapos kong ilantad at suriin ang bawat palatandaan ng kabiguan ni Brother Li na gumawa ng tunay na gawain, hindi niya lang ako hindi kinamuhian, nguni’t nagsisi rin siya at sinabing, “Katuwiran ng Diyos ang pagpapalit sa akin ngayon. Iyon ang pagmamahal at proteksyon sa akin ng Diyos. Kung hindi mo ’yon itinuro sa akin, hindi ko malalaman kung gaano kalaking pinsala ang ginagawa ko sa iglesia. Salamat sa Diyos! Pagninilayan ko ito. Sabihin mo sa akin kung ano pang katiwalian ang nasa akin; tutulunagn ako nitong magnilay sa sarili ko nang tama….” Nang marinig ko ang mga salita ni Brother Li, naantig ako; Naramdaman kong masasaktan siya ng paglalantad sa kanyang mga palatandaan, nguni’t mga imahinasyon ko lang pala ’yon. Kung hindi ko ’yon itinuro sa kanya, talagang pinapahamak ko siya. Sa sandaling iyon, naramdaman kong matatag ako at payapa sa aking espiritu, at lalong malapit sa Diyos. Kaya, tunay ko ring pinahalagahan na tanging sa pagsasagawa ng katotohanan at paninindigan sa panig ng katuwiran ako tunay na makakatulong sa mga kapatid. Kalaunan, nang makita kong nilabag ng mga kapatid ang mga prinsipyo ng katotohanan, ilalantad ko pa rin ang pananaw ng pagiging “mabait” at matatakot na makasakit ng iba, pero agad akong lalapit sa Diyos para manalangin, tinatalikdan ang sarili at tinatrato ang mga bagay na ito ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan. Salamat sa Diyos. Ang pagkakaro’n ko nitong kaunting pagsasagawa at pagpasok ay epekto ng mga salita ng Diyos!

Matapos danasin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos at paglalahad ng mga katotohanan, nakita ko na ang mga “mabait” ay tuso, may maitim na puso, walang konsyensya o pagiging tao, at walang pag-asang maligtas ng Diyos. Nagpapasalamat din ako sa paggabay at pamumuno ng mga salita ng Diyos: tinulutan ako ng mga ’yon na alisin ang mga hadlang ng kaisipan ng pagiging “mabait,” at mabuhay nang may kaunting wangis ng isang taong tapat. Habang dumaranas, tunay kong pinahalagahan kung paanong hinahawakan ng katotohanan at katuwiran ang kapangyarihan sa tahanan ng Diyos. Sa tahanan ng Diyos, ang mga tao lang na nagsasagawa ng katotohanan, kumikilos ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan, at mga taong tapat na may diwa ng katuwiran ang maaaring tumayo nang matatag at maayunan ng Diyos. Sa hinaharap, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para hanapin ang katotohanan, maging isang taong may diwa ng katuwiran, gawin nang tama ang aking tungkulin upang mapasaya ang Diyos, at mabigyan ng ginhawa ang Kanyang puso!
 

Magrekomenda nang higit pa : Ano ba talaga ang tunay na pananalig sa Diyos? Paano dapat maniwala sa Diyos ang isang tao para matamo ang Kanyang papuri?

Category: Mga Patotoo | Views: 92 | Added by: lih400847 | Rating: 0.0/0
Total comments: 0
avatar