10:54 PM
Kaunting Pag-unawa ng Pagkakaligtas

Lin Qing Lungsod ng Qingzhou, Lalawigan ng Shandong

Sa loob ng mga nakaraang ilang taon ng pagsunod sa Diyos, tinalikdan ko ang aking pamilya at mga kasiyahan sa laman, at ako ay naging abala sa buong araw sa pagtutupad ng aking tungkulin sa iglesia. Kaya ako’y naniwala: Hangga’t hindi ko pinababayaan ang aking gawain sa iglesia, hindi ko pinagtataksilan ang Diyos, hindi iniiwan ang iglesia, at sinusunod ang Diyos hanggang sa katapusan, ako ay patatawarin at ililigtas ng Diyos. Naniwala rin ako na tumahak ako sa landas ng kaligtasan mula sa Diyos, at ang kailangan ko lamang gawin ay sundan Siyahanggang sa katapusan.

Ngunit, noong nakaraang ilang araw, nakakita ako ng teksto mula sa “Tanging ang mga Nakatamo ng Katotohanan at Pumasok sa Realidad ang Talagang Naliligtas”: “Hindi kasing-simple tulad ng iniisip ng mga tao ang pagliligtas ng Diyos. Dapat nating maranasan ang paghatol at pagkastigo pati na rin ang mga pagsubok at kadalisayan na mula sa salita ng Diyos sa bawat paghakbang. Dapat nating sundan nang mabuti ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos, at sa huli ay matamo ang katotohanan at makamit ang pagbabago sa disposisyon upang maging bagong likha, at makaasa sa katotohanan upang magtagumpay kay Satanas at mapangibabawan ang kasalanan. Kailangang kaya nating mabuhay nang sinasadya na umaasa sa mga salita ng Diyos, upang ganap na sundin ang Diyos at maging kaayon Niya. Ito lamang ang tunay na pagtatagumpay kay Satanas, pangingibabaw sa kasalanan, at pagtatamo ng Diyos sa atin. Kung makakamit natin ang kalalabasang ito mula sa pagdanas ng gawain ng Diyos, kung gayon, ito lamang ang tunay na pagliligtas ng Diyos.” “Sa landas ng paghahangad ng katotohanan at pagkamit ng kaligtasan mula sa Diyos, marami pang mga paghihirap at balakid, tulad ng paghihiwalay ng pamilya, mga sakunang natural at gawa ng tao—bawat uri ng pagsubok at pagdurusang dapat harapin ng mga tao. Tiyak na hindi ito madali, at kung magkukulang ang mga tao sa katotohanan, hindi sila makakatayo nang matatag, ang tsansang pagtataksilan nila ang Diyos ay 100%” (Ang Pagbabahagi mula sa Itaas). Pagkatapos kong basahin ito, pakiramdam ko ay para akong nagising mula sa isang panaginip. Kaya, ang pagliligtas ng Diyos ay hindi kasing-simple pala nang aking inakala; ito ay umaasa sa mga taong dumaranas ng gawain at mga salita ng Diyos sa bawat hakbang ng proseso, tumatanggap ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, pakikitungo at pagpupungos, pati na rin ang pagdaranas ng kapaitan ng lahat ng uri ng mga pagsubok at pagdurusa. Upang makamit nila ang tunay na pagkaunawa ng kanilang mga sariling tiwaling disposisyon at unti-unting tanggalin ang katiwalian mula sa kanilang sarili, at sa huli ay maaaring magtiwala sa mga salita ng Diyos at manalig sa katotohanan upang magtagumpay kay Satanas at mapangibabawan ang mga puwersa ng kadiliman sa lahat ng uri ng kapaligiran. Tanging ang pagkamit ng ganitong kinalabasan ang tunay na pagliligtas ng Diyos. Ngunit kung ikukumpara ito sa aking aktwal na kalagayan, malayo ako sa pagkamit ng nasabing kinalabasan. Napakaraming beses na kahit na alam kong ang pagpupursigi sa reputasyon at katayuan ay hindi pinuri ng Diyos, ako ay nakibahagi pa rin sa pagpupursigi ng mga bagay na ito, at naging negatibo at mahina kapag hindi ko sila nakuha. Mawawala ko ang aking pagganyak na pursigihin ang katotohanan at mahuhulog sa isang kadilimang hindi ako makalalaya. Napakaraming beses na kahit na alam kong ang paniniwala sa Diyos ay nangangahulugang dapat kong pursigihin ang katotohanan upang suklian ang Kanyang pagmamahal at hindi ako maaaring magsagawa ng mga transaksyon sa Diyos, nakita ko na ang gawain ng Diyos ay masyadong matagal sa pagtatapos at dinala ko ang pagiging negatibo sa sarili ko. Ang aking lakas nang mga naunang panahon ay basta na lang nawala nang walang bakas, at isinagawa ang pagtutupad ng aking tungkulin nang padalus-dalos. Kapag nakatagpo ako ng mga kahirapan sa aking gawain, kahit na alam ko na ito ay ang paraan ng pagsasanay sa akin ng Diyos sa pamamagitan ng mga kahirapan, sa loob ako ay puno pa rin ng mga maling pagkakaunawa at hinaing sa Diyos. Naramdaman ko na ang paniniwala sa Diyos ay masyadong mahirap, masyadong nakakapagod, at lagi kong nais makatakas, at pati na rin ang bumitaw sa aking gawain. Napakaraming beses na kahit na alam ko ang kapaligiran at lahat ng tao, paksa at bagay-bagay na nakapalibot sa akin ay itinakda ng Diyos upang gawin akong perpekto, at dapat kong hanapin ang katotohanan mula sa mga bagay na ito, palagi akong tututol at ayaw kong tanggapin kapag ako ay naharap sa isang tao, paksa o bagay na hindi nakaayon sa aking mga pagkaintindi. Kapag nakikita ko ang ibang tao na may masasayang pamilya samantalang ako ay iniwan na ng aking mga mahal sa buhay at walang lugar ng pahingahan, madalas akong nakaramdam ng kalungkutan at sama ng loob dahil dito, hanggang sa puntong nais kong lisanin ang Diyos nang ilang beses. … Gayon pa man, akala ko pa rin na matagal na akong tumahak sa landas ng pagliligtas ng Diyos. Kapag tinitingnan ko ang lahat ng mga aktwal na kalagayang ito, paano ako magkakaroon ng kahit katiting na tunay na katayuan? Kapag naharap sa kahit ilang maliit na pagsubok o kabiguan, ako ay nasa panganib na madapa, ano pa kaya ang kakayahang makatayo nang matatag sa gitna ng malalaking pagsubok at paghihirap. Sa sandaling iyon nakita ko na kahit na sinunod ko na ang Diyos nang ilang taon nang hindi sumusuko, hindi ko pa talaga naunawaan ang katotohanan, at ang aking disposisyon sa buhay ay hindi nagbago nang kahit kaunti. Ako ay nabuhay pa rin sa ilalim ng madilim na impluwensya ni Satanas at napasailalim sa kanyang panlilinlang at pagmamanipula. Napakalayo nito sa pamantayan ng pagiging tunay na inililigtas ng Diyos, ngunit naniniwala pa rin ako na matagal na akong nakapasok sa landas ng kaligtasan mula sa Diyos at ako ay halos sapat na—ito ay panlilinlang sa sarili lamang.

O Diyos, maraming salamat! Ang iyong kaliwanagan at pamamatnubay ang malinaw na nakapagpakita sa akin ng aking tunay na kalagayan at nakapagpaunawa sa akin kung ano ang tunay na kaligtasan, binabago ang aking maling kaalaman mula noong nakaraan. Ipinaunawa rin sa akin na kung hindi ko matamo ang katotohanan o hindi ako magkaroon ng pagbabago sa aking disposisyon sa buhay, hindi ko matatamo ang Iyong papuri kahit ilang taon pa akong naniniwala sa Diyos. Mula sa araw na ito, handa kong mahalin ang kayamanang ito na oras upang mabigyan ako ng mas marami pang katotohanan, at sa pamamagitan ng pagdanas ng Iyong gawain, matatanggal ko ang tiwaling disposisyon mula sa aking sarili. Ako ay mabubuhay nang naaayon sa Iyong mga salita at lubusang susundin Ka, at kakamtan ang tunay na kaligtasan mula sa Iyo.

 

Pinagmumulan:https://tl.godfootsteps.org/testimonies/an-understanding-of-being-saved.html

 

Ang pag-ibig ng Diyos sa tao ay nangangahulugang hindi lamang pagbibigay ng mga pagpapala sa tao, higit sa lahat ay nangangahulugang pagiging laman, nakatira sa gitna ng tao, at pagpapahayag ng katotohanan upang mailigtas ang tao. Ang pag-ibig ng Diyos sa tao ay hindi makasarili.
Category: Mga Patotoo | Views: 91 | Added by: lih400847 | Rating: 0.0/0
Total comments: 0
avatar