Sa katotohanan, ang gawaing ginagawa ngayon ay upang talikdan ng mga tao si Satanas, talikdan ang kanilang sinaunang ninuno. Lahat ng mga paghatol sa pamamagitan ng salita ay naglalayong ilantad ang masamang disposisyon ng sangkatauhan at bigyang-kakayahan ang mga tao na maunawaan ang kakanyahan ng buhay. Ang paulit-ulit na mga paghatol na ito ay tumutusok lahat sa mga puso ng mga tao. Bawa’t paghatol ay tuwirang nakakaapekto sa kanilang kapalaran at naglalayong sugatan ang kanilang mga puso para kanilang mapakawalan ang lahat ng mga bagay na yaon at sa gayon ay makilala ang buhay, makilala ang maruming mundong ito, at makilala rin ang karunungan at pagiging makapangyarihan-sa-lahat ng Diyos at makilala itong ginawang-masama-ni-Satanas na sangkatauhan. Kung mas marami ang ganit ... Read more »

Category: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Views: 96 | Added by: lih400847 | Date: 08.22.2019 | Comments (0)

Patuloy na sumusulong ang gawain ng Diyos, at kahit na ang layunin ng Kanyang gawain ay nananatiling di-nagbabago, palaging nagbabago ang paraan kung paano Siya gumagawa, at sa gayon pati na rin ang mga tagasunod ng Diyos. Mas marami ang gawain ng Diyos, mas lubusang nakikilala ng tao ang Diyos, at ang disposisyon ng tao ay nagbabago ayon sa Kanyang gawa. Gayon pa man, dahil sa ang gawain ng Diyos ay palaging nagbabago ang mga hindi nakakakilala sa gawain ng Banal na Espiritu at ang yaong mga taong salungat na hindi nakakaalam sa katotohanan ay nagiging kalaban ng Diyos. Hindi kailanman nakiayon ang gawain ng Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, dahil laging bago ang Kanyang ... Read more »

Category: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Views: 114 | Added by: lih400847 | Date: 08.19.2019 | Comments (0)

Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay may dalawang bahagi. Nang una Siyang naging katawang-tao, di Siya pinaniwalaan ni kinilala ng mga tao, anupat ipinako si Jesus sa krus. Sa pangalawang pagkakataon din, di pa rin naniwala sa Kanya o kinilala man lang Siya, at minsan pang ipinako si Cristo sa krus. Hindi ba’t ang tao ay kaaway ng Diyos? Kung hindi Siya kilala ng mga tao, paano sila magiging matalik na kaibigan sa Diyos? At paano siya nagkaroon ng kakayanang magpatotoo sa Diyos? Ang pagmamahal sa Diyos, ang paglilingkod sa Diyos, ang pagluluwalhati sa Diyos—hindi ba ito mga mapanlinlang na kasinungalingan? Kung itutuon mo ang iyong buhay sa mga walang katunayan at ... Read more »

Category: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Views: 99 | Added by: lih400847 | Date: 08.19.2019 | Comments (0)

Ang tao ay nakakaunawa ng kaunti sa gawain ng kasalukuyan at sa gawain ng hinaharap, nguni’t hindi niya nauunawaan ang hantungan kung saan ang sangkatauhan ay papasok. Bilang isang nilalang, kailangang gampanan ng tao ang tungkulin ng isang nilalang: Kailangang sundin ng tao ang Diyos sa anumang Kanyang ginagawa, at kailangang magpatuloy kayo sa kahit anumang paraan na sinasabi Ko sa inyo. Ikaw ay walang paraan upang gumawa ng mga pagsasaayos para sa iyong sarili, at ikaw ay walang kakayahan na kontrolin ang iyong sarili; ang lahat ay dapat ipaubaya sa habag ng Diyos, at ang lahat ay kinokontrol ng Kanyang mga kamay. Kung ang gawain ng Diyos ay naglaan sa tao ng isang katapusan, isang kamangha-manghang hantungan, nang mas maaga, at kung ginagamit ito ng Diyos upang hikayatin an ... Read more »

Category: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Views: 97 | Added by: lih400847 | Date: 08.16.2019 | Comments (0)

Sa simula, ang Diyos ay nagpapahinga. Walang mga tao o anumang bagay sa lupa nang panahon na iyon, at wala pang nagagawa ang Diyos kahit anong gawain pa man. Sinimulan lang ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala noong umiral ang sangkatauhan at noong ang sangkatauhan ay nagawang masama. Mula sa puntong ito, ang Diyos ay hindi na nagpahinga ngunit sa halip ay nagsimulang gawing abala ang Kanyang sarili sa gitna ng sangkatauhan. Ang Diyos ay naalis mula sa Kanyang kapahingahan dahil sa kasamaan ng sangkatauhan, at dahil din sa paghihimagsik ng arkanghel kaya naalis ang Diyos mula sa Kanyang kapahingahan. Kung hindi tatalunin ng Diyos si Satanas at ililigtas ang sangkatauhan, na naging masama, ang Diyos ay hindi na muling makapapasok sa kapahingahan. Tulad na ang tao ay kulang sa pahin ... Read more »

Category: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Views: 119 | Added by: lih400847 | Date: 08.16.2019 | Comments (0)

Inaasam mo bang makita si Jesus? Inaasam mo bang mabuhay kasama si Jesus? Inaasam mo bang marinig ang mga salitang sinasambit ni Jesus? Kung gayon, paano mo naman sasalubungin ang pagbabalik ni Jesus? Handang-handa ka na ba? Sa anong paraan mo sasalubungin ang pagbabalik ni Jesus? Sa palagay Ko bawa’t kapatid na lalaki at babae na sumusunod kay Jesus ay gugustuhing malugod na salubungin si Jesus. Nguni’t naisip na ba ninyo kung talagang makikilala ninyo si Jesus sa pagbabalik Niya? Talaga bang maaabot ninyo ang lahat ng sinasabi Niya? Talaga bang tatanggapin ninyo, nang walang-pasubali, ang lahat ng gawaing ginagawa Niya? Alam ng lahat niyaong nakakabasa ng Biblia ang t ... Read more »

Category: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Views: 107 | Added by: lih400847 | Date: 08.13.2019 | Comments (0)

Dapat kayong makarating sa pagkakaalam sa pangitain ng gawain ng Diyos at matarok ang pangkalahatang tunguhin ng Kanyang gawain. Ito ay pagpasok sa isang positibong paraan. Sa sandaling makabisado ninyo nang tumpak ang mga katotohanan ng pangitain, ang iyong pagpasok ay magiging ligtas; paano man nagbabago ang Kanyang gawain, ikaw ay mananatiling matatag sa iyong puso, magiging malinaw tungkol sa pangitain, at ikaw ay magkakaroon ng isang tinutumbok para sa iyong pagpasok at iyong paghahabol. Sa gayong paraan, ang lahat ng karanasan at kaalaman sa loob mo ay lalalim at magiging mas pino. Sa sandaling matarok mo ang mas malaking larawan sa kabuuan nito, hindi ka magdurusa ... Read more »

Category: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Views: 124 | Added by: lih400847 | Date: 08.13.2019 | Comments (0)

Ang isang yugto sa gawain ng dalawang nakaraang mga kapanahunan ay naganap sa Israel; ang isa pa ay naganap sa Judea. Sa pangkalahatan, wala sa alinmang yugto ng gawaing ito ang umalis sa Israel; ang mga iyon ay ang mga yugto ng gawain na isinakatuparan sa gitna ng mga paunang piniling tao. Kaya, sa paningin ng mga Israelita, ang Diyos na Jehova ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil sa gawain ni Jesus sa Judea, at dahil sa Kanyang pagtatapos sa gawain ng pagpapapako sa krus, mula sa pananaw ng mga Judio, si Jesus ay ang Manunubos ng mga Judio. Siya ay Hari lamang ng mga Judio, hindi ng anumang iba pang mga tao; hindi Siya ang Panginoon na nagtutubos sa mga Ingles, ni ang Panginoon na nagtutubos sa mga Amerikano, kundi Siya ... Read more »

Category: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Views: 108 | Added by: lih400847 | Date: 08.10.2019 | Comments (0)

Karamihan sa mga tao ay naniniwala sa Diyos alang-alang sa kanilang hantungan sa hinaharap, o para sa pansamantalang kaluguran. Para sa mga hindi sumasailalim sa kahit anong pakikitungo, ang paniniwala sa Diyos ay alang-alang sa pagpasok sa langit, upang magkamit ng mga gantimpala. Ito ay hindi upang magawang perpekto, o para gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Na ang ibig sabihin, karamihan sa mga tao ay hindi naniniwala sa Diyos upang tuparin ang kanilang responsibilidad, o para ganapin ang kanilang tungkulin. Bihira na ang mga tao ay naniniwala sa Diyos upang magkaroon ng makabuluhang mga buhay, ni mayroong mga naniniwalang sapagka’t ang tao ay buháy, dapat niyang mahalin ang Diyos dahil ito ay batas ng langit at panuntunan ng daigdig na gawin ang gayon, at it ... Read more »

Category: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Views: 120 | Added by: lih400847 | Date: 08.10.2019 | Comments (0)

Gaano karami sa gawain ng tao ang gawain ng Banal na Espiritu at gaano karami ang karanasan ng tao? Kahit ngayon, masasabi na hindi pa rin nauunawaan ng mga tao ang mga tanong na ito, na lahat ay dahil hindi nauunawaan ng mga tao ang mga panuntunan sa paggawa ng Banal na Espiritu. Mangyari pa, ang gawain ng tao na sinasabi Ko ay tumutukoy sa gawain niyaong mga nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu o yaong mga ginagamit ng Banal na Espiritu. Hindi Ko tinutukoy ang gawain na nagmumula sa kalooban ng tao kundi sa gawain ng mga apostol, mga manggagawa o mga karaniwang kapatirang lalaki at babae na sakop ng gawain ng Banal na Espiritu. Dito, ang gawain ng tao ay hindi tumutukoy sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao kundi sa sakop at mga panuntunan ng gawain ng Banal na Espiritu sa mg ... Read more »

Category: Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Views: 113 | Added by: lih400847 | Date: 08.07.2019 | Comments (0)

« 1 2 ... 6 7 8 9 10 11 12 »