0:03 AM
Tagalog Christian Songs | Kinakailangan ng Gawain ng Banal na Espiritu ang mga Pagbabago sa Disposisyon



Tagalog Worship Songs | Kinakailangan ng Gawain ng Banal na Espiritu ang mga Pagbabago sa Disposisyon

I

Ang gawain at presensya ng Banal na Espiritu

ang nagpapasiya kung taos-puso kang naghahanap,

hindi ang mga paghatol ng iba, ni ang kanilang mga opinyon.

Ngunit higit pa rito, ang nagpapasiya ng iyong katapatan ay,

sa paglipas ng panahon, kung ang gawain ng Banal na Espiritu

ay nagpapabago sa iyo at nakikilala mo ang Diyos.

Kung gumagawa ang Banal na Espiritu sa inyo,

ang disposisyon ay magbabago,

magiging dalisay ang pananaw ninyo sa pananampalataya.

Ang ibig sabihin ng pagbabago'y kumikilos ang Banal na Espiritu,

gaano man kayo katagal nakasunod na sa Kanya.

II

Kung walang pagbabago sa inyo, ibig sabihin

ang Banal na Espiritu ay hindi gumagawa sa inyo.

Kahit naglilingkod kayo,

ginagawa ninyo ito para magkamit ng pagpapala.

Sa paminsan-minsang serbisyo

hindi ibig sabihin ay pagbabago sa disposisyon.

Ang mga nagbibigay-serbisyo ay wawasakin

dahil hindi sila kailangan ng kaharian.

Hindi kailangan ng kaharian ang hindi nagbago

para maglingkod sa mga tapat at naperpekto.

Kung gumagawa ang Banal na Espiritu sa inyo,

ang disposisyon ay magbabago,

magiging dalisay ang pananaw ninyo sa pananampalataya.

Ang ibig sabihin ng pagbabago'y kumikilos ang Banal na Espiritu,

gaano man kayo katagal nakasunod na sa Kanya, sa Kanya.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

 

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

 

Category: Mga Video ng mga Himno | Views: 101 | Added by: lih400847 | Tags: Ang Katotohana, Awit ng Pagsamba, Tagalog Worship Songs | Rating: 0.0/0
Total comments: 0
avatar